‘Dos Por Dos’ totoong lilipat na

Sa nakalipas na 2 taon, nakasanayan na ng marami ang pakikinig, panonood sa hapon sa DZRH dahil sa “Dos Por Dos.” Marami silang napasaya, natulungan, naresolbang mga problema ng milyong Pinoy.

Naging inspirasyon sa mga fan ng DZRH ang good vibes ni Gerry Baja at katatagan ni Anthony Taberna sa personal niyang pinagdaanan.

Anyway, July 28 (Thursday) ay parang apoy na kumalat sa socmed, mainstream media ang “paglipat” ng dalawang batikang broadcaster.

Kaya sa huling broadcast nina Taberna, Baja noong July 29, nagpaalam na sa mga tagasubaybay ang “Dos Por Dos” sa 5-6:30 pm time block.

Yes, totoong lilipat na ang “Dos Por Dos”… ng oras sa DZRH.

Simula Agosto 1 ay mapapanood/mapapakinggan na sila ng 6:00 to 8:00 ng umaga, Lunes hanggang Biyernes.

Mas pinaagang hambalos sa mga may maiitim na balak. Mas mahabang oras ng balitaktakan at napapanahong komentaryo, na kukumpleto sa masayang umaga ng bawat pamilyang Pilipino.

Kaya tutok lang sa DZRH television at social media platforms ng Manila Broadcasting Company, Facebook page, YouTube at www.dzrh.com.ph. (Dondon Sermino)

The post ‘Dos Por Dos’ totoong lilipat na first appeared on Abante.

from Abante https://ift.tt/IU7h1aJ
via IFTTT

Comments

Popular posts from this blog

Shastaloo kakaripas sa Challenge Race

PBBM level: Andrew E. 1 batalyon bodyguard sa Canada