Eala swak sa quarters

TUMUNTONG si Alexandra “Alex” Eala sa ikatlo nitong sunod na quarterfinals ngayong taon kahit nabigo sa unang set subalit naisubi ang panalo matapos na magretiro ang kalaban sa W60 Vitoria-Gasteiz sa Spain.

“I had a good comeback today although my opponent retired on the third set. Wishing her a speedy recovery. I play quarterfinals tomorrow,” mensahe ni Eala.

Nalasap ni Alex, Globe ambassador at Rafa Nadal Academy scholar, ang kabiguan sa pambungad na set laban kay Ya-Hsuan Lee ng Taiwan subalit nagtamo ng injury ang kalaban nito upang madali itong nakausad sa quarterfinals ng W60 Vitoria-Gasteiz sa loob ng tatlong set matapos magretiro ang huli noong Huwebes.

Agad napag-iwanan si Eala laban kay Lee sa opener, 1-6, bago nito magawang makabalikwas sa ikalawang set at nasa kainitan ng pagbabalik nang napilitang magretiro si Lee sa ikatlong frame dahil sa injury.

Si Eala, na kumuha ng ikalawang set, 6-4 para pilitin ang deciding third set, ay nasa unahan ng 4-1 nang maranasan ni Lee ang kanyang injury. Sa huling laro bago ang pagreretiro, sinira ni Eala ang serve ni Lee sa Game 5.

Naka-iskedyul na Biyernes ng gabi si Eala kontra Eden Silva ng United Kingdon sa quartefinal round, habang isinusulat ang balitang ito. (Lito Oredo)

The post Eala swak sa quarters first appeared on Abante.

from Abante https://ift.tt/ef0w3PA
via IFTTT

Comments

Popular posts from this blog

Shastaloo kakaripas sa Challenge Race

PBBM level: Andrew E. 1 batalyon bodyguard sa Canada