Faustino, Ramos hakot ng 6 ginto

ANIM na gintong medalya pa ang ibinulsa ng Philippine national weightlifting team mula sa tigatlong gold nina Rosalinda Faustino at 2021 Southeast Asian Games bronze mdalist Rosegie Ramos sa magkahiwaly na dibisyon ng 2022 Asian Youth and Junior Weightlifting Championships sa Uzbekistan Sports Complex sa Tashkent City.
Sinundan ng parehong Zamboanga City native ang matagumpay na kampanya ng national squad kasunod ng pagbuhat ni Faustino ng kabuuang 161kgs mula sa 71 sa snatch at 90 sa clean and jerk sa women’s 49kgs category ng Youth division.
Dinomina rin ng Junior High School mula Mampang National High na si Ramos ang women’s 49kgs division nang buhatin nito ang kabuuang 176kgs mula sa 80k sa snatch at 96 sa clean and jerk upang makalikom na ng kabuuang 12 gintong medalya ang Pilipinas mula kina Rose Jean Ramos sa women’s 45kgs at Angeline Colonia sa women’s 40kgs.
“Awesome! Historical!” mga matitinding salitang binitawan ni Samahang Weightlifting ng Pilipinas President Monico Puentevella sa panayam ng Abante Sports sa telepono kasunod umano ng makasaysayang 12-gold medal haul na maaaring umabot pa sa 15 sa pagsabak ni Hanoi, Vietnam SEA Games at Asian champion Vanessa Sarno bukas.
“It’s first time in our history kasi normally ang kumukuha ng medalya riyan is Thailand and China, pero ngayon mukhang nauumay na sila kakapakinig ng Lupang Hinirang dahil sa sunod-sunod na panalo nating mga Pinoy,” dagdag ng 76-anyos na dating commissioner ng Philippine Sports Commission (PSC) at kinatawan at mayor ng Bacolod City. (Gerard Arce)
The post Faustino, Ramos hakot ng 6 ginto first appeared on Abante.from Abante https://ift.tt/iQo5IH3
via IFTTT
Comments
Post a Comment