Frayna, PH ungos kontra Nicaragua

PINAMUNUAN ni Woman Grandmaster Janelle Mae Frayna ang 39th seed Team Pilipinas na alpasan ang 78th seed Nicaragua, 2.5-1.5, para pangalawang sunod na panalo sa 44th FIDE (International Chess Federation) Chess Olympiad 2022 sa Four Points by Sheraton sa Chennai, India nitong Sabado.

Kinaldag ni Frayna si Woman International Master Maria Esther Granados Diaz para sa unang atake makaraang magpahinga sa pagbokya ng Pinay woodpushers laban sa 199th seed Guam via 4-0 noong Biyernes.

Di’ rin umubra kay Woman FFIDE Master Shania Mae Mendoza si Patricia Alvarez Gutierrez, samantalang nauwi sa tabla ang sabak ni WIM Jan Jodilyn Fronda kay Michelle Ferrufino. Tanging si WIM Marie Antoinette San Diego ang nasilat sa PH ni Maria Jose Ortiz Granados.

Mabigat ang laban ng mga Pinay kontra 18th Serbia sa third round sa Linggo.

Nagtala naman ng magkahiwalay na draw game sina GM Mark Paragua at John Paul Gomez, pero ‘di sapat upang lumuhod ang 52nd seed national men’s team sa may mga super GM na No. 6 seed Azerbijan, 1-3.

Natablahan ni Paragua si Rauf Mamedov sa board 1 at ni Gomez si Vasif Durarbayli sa board 3. Yumuko sina GM Rogelio Barcenilla, Jr. at IM Paulo Bersamina kina GMs Gadir Guseinov sa board 2 at Nijat Abasov sa board 4.

Pero malamang makabawi ang ‘Pinas sa round 3 laban sa 123rd seed Cyprus. (Elech Dawa)

The post Frayna, PH ungos kontra Nicaragua first appeared on Abante.

from Abante https://ift.tt/feNF0wJ
via IFTTT

Comments

Popular posts from this blog

Shastaloo kakaripas sa Challenge Race

PBBM level: Andrew E. 1 batalyon bodyguard sa Canada