Gasoline boy, 9 taon ginapang maging arkitekto

Dahil sa tirahang barong-barong, halos 9 taon ginapang ng isang dating gasoline boy na Bulakenyo ang kanyang pangarap na Bachelor’s Degree in Architecture.
Nitong July 15, 2022 ginanap ang graduation ng Bulacan State University student na si Jonell Calisin, ng Bocaue, sa Philippine Arena sa Bulacan.
Inabot umano ng 8 ½ taon bago nakatapos ng kolehiyo si Calisin dahil sa kahirapan at iba pang pagsubok.
Iba-ibang trabaho ang pinasukan niya tulad ng merchandiser, factory worker at gasoline boy, at minsan na ring naisip na sumuko.
Kaya palagi raw niyang tinitingnan ang kalagayan ng kanilang barong-barong upang magpatuloy sa pakikipaglaban sa buhay.
“Lagi ko lang tinitignan yung bahay namin pag gusto ko nang sumoko lagi kong iniisip na gusto kong makaranas ng may maayos na bahay yung hindi kayo nababasa pag umuulan hindi sobrang init pag tag araw yung sarili nyo na yung lupa,” kuwento niya sa FB post.
“Hindi kami mayaman hindi ako matalino hindi ako proud na umabot ako ng 8 and half year sa college pero ang tanging maipag mamalaki ko lang ay yung hindi ako sumuko sa hamon ng buhay,” patuloy niya. (Issa Santiago)
The post Gasoline boy, 9 taon ginapang maging arkitekto first appeared on Abante.from Abante https://ift.tt/HVkyv54
via IFTTT
Comments
Post a Comment