LaVine, Bulls selyado deal

DONE DEAL na ang pananatili ni two-time All-Star at Olympic gold medalist Zach LaVine sa Chicago.

Inihayag ng Bulls nitong Huwebes na muling pumirma ang high-flying guard ng five-year max contract na nagkakahalaga ng $215 million.

Dating nabanggit ni LaVine na gusto niyang subukan ang free agency. Sa walong taon niya sa NBA, lima rito sa Chicago. Pero 18 oras lang siya bilang unrestricted free agent, nagkasundo na sila ng Bulls.

Nag-average si LaVine ng 24.4 points sa final season ng kanyang four-year, $78M deal.

Naka-46 wins ang Chicago nitong nagdaang season sa likod nina LaVine, DeMar DeRozan at Nikola Vucevic.

In-and-out pa sa lineup si LaVine dahil sa thumb at left knee injuries, pero nakarating sa playoffs ang Bulls, nasipa lang sa limang laro sa Milwaukee sa first round. (VE)

The post LaVine, Bulls selyado deal first appeared on Abante.

from Abante https://ift.tt/usrXS3U
via IFTTT

Comments

Popular posts from this blog

Shastaloo kakaripas sa Challenge Race

PBBM level: Andrew E. 1 batalyon bodyguard sa Canada