Magsayo ‘kidlat’ bilis ng kamao

WALANG pinagkaiba.
Ganito inilarawan ni Hall of Fame trainer Freddie Roach si WBC featherweight champion Mark Magsayo nang ikumpara niya ito kay ‘Pambansang Kamao’ Manny Pacquiao.
Ayon kay Roach, masarap turuan si ‘Magnifico’ dahil halos magkapareho ang work ethic nila ni eight-division champion Manny Pacquiao.
“Mark has been a pleasure to train. He is dedicated to his craft and eager to learn. Best of all, he has shown improvement with every fight. I am very proud to be his trainer,” pahayag ng 62-anyos na mentor na si Roach sa Bad Left Hook.
“Both Manny and Mark have great hand speed and an incredible work ethic. They also are never satisfied with giving 100 percent. They dig down deep for that extra effort in training camp, and in a fight, to give themselves an advantage. Both are fierce competitors,” sey pa ni Freddie.
Dagdag pa ni Roach, nakuha rin ni Tagbiliran-pride boxer Magsayo ang taktika ni Pacman kung paano harapin ang mala-higanteng kalaban kaya kumpiyansa ito sa nalalapit niyang laban kontra sa Mexicanong si Rey Vargas.
“It takes time for fighters to figure out how to break down their taller sparring partners, and effectively attack them, but like Manny, Mark has adapted and is getting more confident each day of sparring,” aniya.
Inaasahang dadalhin ulit ng 27-anyos na boxer ang watawat ng Pilipinas sa nakatakda nilang upakan sa Linggo para sa una niyang title defense kontra Vargas sa Alamodome sa San Antonio, Texas.
Bitbit ni Magsayo ang flawless record na 24-0 na may 16 KOs habang si Vargas ay may 35-0 record at 22KOs. (Aivan Episcope)
from Abante https://ift.tt/LxBi45A
via IFTTT
Comments
Post a Comment