Magsayo mabenta sa bigating laban

MATAAS pa rin ang kalidad!

Sa kabila ng mapait na pagkatalo ni former WBC featherweight champion Mark Magsayo laban kay Rey Vargas kamakailan ay nananatili pa rin itong hotshot o katakam-takam sa larangan ng boksing.

Ayon kay veteran boxing analyst Ed Tolentino, nakaka-elibs pa rin at nakakaakit sa mga mata ng boksingero at mga promoter si Tagbiliran-pride boxer Magsayo dahil sa ipinakita nitong performance.

“He remains an attractive fighter. He is aggressive, punches hard, and is a former world champion. His loss to Vargas, I don’t think it dented Magsayo’s reputation,” pahayag ni Tolentino sa Sparring Sessions LIVE.

“A lot of people noticed he is exciting and even while trailing on points he has the tendency to catch up and score a knockout. He cannot go back to fighting patsies because he is now in the spotlight.”

Tingin pa ng boxing analyst, madaling makakabalik sa trono si Magsayo.

“It is not the end of the world for Magsayo if at all, he is getting noticed on the international stage. The more he should pursue to improve his craft, ” dagdag ni Tolentino.

Kamakailan lang kasi ay nabitawan ni ‘Magnifico’ Magsayo ang kanyang kauna-unahang world crown nang yumuko sa una rin niyang mandatory title defense laban kay Mexican fighter Vargas.

Pero sa kabila ng nangyari ay buo pa rin ang loob ni Magsayo at naninindigang babangon uli ito at babawiin ang nakawalang championship belt.

“I won’t commit the same mistakes in my next fight,” pahayag ni 27-anyos Pinoy fighter Magsayo.

Sa kasalukuyan ay hawak ni Mark ang 24-1 win-loss record tampok ang 16 KOs. (Aivan Episcope)

The post Magsayo mabenta sa bigating laban first appeared on Abante.

from Abante https://ift.tt/aAPxMI4
via IFTTT

Comments

Popular posts from this blog

Shastaloo kakaripas sa Challenge Race

PBBM level: Andrew E. 1 batalyon bodyguard sa Canada