Mark Herras nawalan ako ng direksyon sa buhay

Ikinuwento ni Mark Herras kung paano siyang nakabangon matapos magkasunod-sunod na mamatay ang mga magulang, lola at tito niya.

Sa morning talk show na “Mars Pa More”, naibahagi ng binansagang “Bad Boy ng Dance Floor” ang pinagdaanan sa “ Iyak-Tawa Moments” segment.

“Namatay ‘yung lola ko, then my dad, then my mom, then my tito — sunod-sunod sila. 2011 si lola, 2014 is my dad, after two years my mom, then after six months my tito,” lahad ni Mark.

“Hindi ako nakapag-mourn nang maayos kasi magmo-mourn pa lang ako sa daddy ko, namatay na mom ko, then after ‘yung tito ko — parang paano ako magmo-mourn?” dagdag niya.

Tinanong siya ng co-host na si Kim Atienza kung nakaranas ba siya ng depression dahil dito at kailan siya nakabangon.

“Ang tagal nung turning point — nung dumating sa akin ‘yung pamilya ko, si Nicole (Donesa) and si Corky. Before them, nandoon pa rin ako sa parang, ‘Bahala na gawin ko ‘to’… walang directions,” aniya patungkol sa kanyang mag-ina.

“Nung nawala ‘yung core na pamilya ko, wala na. Parang nawalan ako ng direksyon sa buhay, kung ano pang dapat kong gawin.

“Before lagi kong tinatanong na, ‘Why, why God? Pero ngayon ito pala ‘yung purpose. Para matuto ako sa buhay, to be a responsible father sa anak ko and to be a better partner sa wife ko,” dugtong niya. (Issa Santiago)

The post Mark Herras nawalan ako ng direksyon sa buhay first appeared on Abante.

from Abante https://ift.tt/FYyqxK8
via IFTTT

Comments

Popular posts from this blog

Shastaloo kakaripas sa Challenge Race

PBBM level: Andrew E. 1 batalyon bodyguard sa Canada