May trabaho , text, ayuda scam

Nagkalat ang mga scammer ngayon sa ating bansa lalo na bunsod ng kahirapan.

Nariyan ang trabaho, text , ayuda scam at kung anu-ano pang modus na ang puntirya ay makapagsamantala sa kapwa at humamig ng salapi.

Nakakalungkot lang dahil paulit-ulit na ang mga kinauukulan partikular ang NTC sa pagpapaalala sa mga telecommunication companies na bantayan ang ganitong klaseng modus.

Pero sa kabila ng paulit-ulit na pagpapaalala ay nakakalusot pa rin ang mga mapanlamang at naisasakatuparan ang kanilang maitim na balakin gamit ang social media at cellphone.

Yaman din lang at hindi marendahan ng mga kinauukulang ahensya ang mga manloloko sa ating paligid gamit ang social media at cellphone ay magkusa na tayo. Maging alerto tayo lalo na kapag may natatanggap na mga tawag, text o mensahe sa cellphone at mga social media account natin.

Huwag natin agad sagutin o burahin. Basahin nating mabuti at ipagbigay-alam sa mga kinauukulan para mahadlangan ang kanilang kalokohan.
Wala na pong kinatatakutan ang mga scammer sa panahong ito kaya bilang mga biktima tayo na po ang mag-ingat dahil mas malaking kawalan ang idudulot nito sa ating buhay kung kakagat tayo sa kanilang pain.

Isa pang modus na nakakagigil ay ang pananamantala ng ilan sa mga naging biktima ng COVID.

Tinatarget ng ilang scammer ang mga may “unclaimed” COVID-19 cash aid mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Kinukuha nila ang detalye ng isang enepisyaryo at saka kukunin ang impormasyon pero kapalit nito ay pera.
Kaawa-awang biktima, wala nang tinanggap na tulong nabudol pa.

The post May trabaho , text, ayuda scam first appeared on Abante.

from Abante https://ift.tt/mIh2Zf1
via IFTTT

Comments

Popular posts from this blog

Shastaloo kakaripas sa Challenge Race

PBBM level: Andrew E. 1 batalyon bodyguard sa Canada