Mga dapat gawin kung nakaranas ng pang-aabuso ang aking anak

Bilang isang ina, bangungot kung isang araw ay malaman o matuklasan ko na naaabuso ang aking mga anak. Gagawin natin ang lahat ng ating makakaya para pagbayarin at mapanagot sa batas ang sino mang gumawa nito.

Dapat na prayoridad ang kapakanan at kaligtasan ng ating mga anak sa pag-aksyon natin. Pero hindi madali na ito ay tugunan dahil maaaring tayo ay nabigla, hindi makapaniwala at malungkot lalo pa nga kung kakilala o mismong miyembro pa ng ating pamilya ang gumawa nito sa kanila.

Kaya sakaling maharap tayo sa ganitong sitwasyon, buksan ang isip, kumalma at gawin ang mga bagay na ito:

  1. Paniwalaan ang ating mga anak. Maraming mga kabataan ang natatakot na magsumbong dahil pinagbabantaan sila ng mga nang-aabuso. Kailangan nila ng tulong na makawala sa sitwasyon kaya harapin natin ang problema kasama sila.
  2. I-report agad sa mga awtoridad. Kung sa paaralan nangyari, agad na makipag-ugnayan sa mga guro at opisyal. Kung sa labas naman, agad na magsumbong sa barangay at sa women’s desk ng kapulisan.
  3. Siguraduhin ang kaligtasan ng ating mga anak. Gumawa ng hakbang para protektahan sila at kung maaari ay ilayo sa tao o sa sitwasyon kung saan nangyayari ang pang-aabuso. Kung sa paaralan, huwag muna silang papasukin. Kung sa bahay o sa kapitbahay, alisin muna sila sa tahanan at siguraduhing hindi sila maiiwang mag-isa.
  4. Huwag sisihin ang sarili sa mga nangyari. Hindi maiwasan na sisihin natin ang ating mga sarili kapag may hindi magandang nangyari sa ating mga anak lalo na at nangyari ito sa ilalim ng ating pangangalaga. Natural lang makaramdam nito. Pero huwag nating hayaan na lamunin tayo ng ating galit sa sarili, bagkus gamitin natin ito para mas mapag-ingatan sila at suportahan sa kanilang recovery.
  5. Humanap ng mga organisasyon tumutulong sa mga magulang at batang naaabuso. Napakabigat ng trauma na maidudulot sa mga bata ng kanilang karanasan. Importante na humgingi ng tulong sa mga professional na gagabay sa atin at sa ating mga anak tungo sa paghilom.

Huwag nating ipagsawalang-bahala kung magsumbong sila ng pang-aabuso. Mas matimbang ang kanilang kaligtasan at magandang kinabukasan kaysa sa kahihiyan. Mahirap man at mabigat sa pakiramdam, dapat na patatagin natin ang ating loob dahil ang ating pagmamahal ang panghuhugutan nila ng lakas para muling makabangon.

The post Mga dapat gawin kung nakaranas ng pang-aabuso ang aking anak first appeared on Abante.

from Abante https://ift.tt/YidVXgn
via IFTTT

Comments

Popular posts from this blog

Shastaloo kakaripas sa Challenge Race

PBBM level: Andrew E. 1 batalyon bodyguard sa Canada