Mycah, Benilde swak sa finals

Mga Laro Ngayon: (Paco Arena)
12:00noon – Perpetual vs San Beda
2:30pm – Letran vs San Sebastian
NAGTALA ng halos triple-double performance si Francis Mycah Go upang tulungang bitbitin ang De La Salle-College of St. Benilde Lady Blazers pabalik sa finals nang walisin ang defending champion Arellano University Lady Chiefs 25-15, 25-15, 25-14 kahapon sa 97th NCAA women’s volleyball tournament sa Paco Arena.
Rumehistro ng 15 points, 14 excellent digs at 9 excellent receptions ang team captain ng Lady Blazers upang magbalik sa championship round na gagabayan ni cach Jerry Yee sa unang pagkakataon, habang naging kauna-unahang koponan na nakapagwalis ng elimination round (9-0) sapol nang gawin ito ng San Sebastian College-Recoletos Lady Stags noong Season 92.
“Siyempre masaya, andito na ulit kami and hopefully makuha namin [yung kampeonato],” wika ni Yee sa post-game interview. “We’re hoping na mag-perform sila and hoping na ganyan pa rin yung performance nila and sana magtuloy pa nga. Andami ko pang nakikitang i-improve pa namin, so yung blocking hindi pulido, yung coverage, services namin, marami pang i-work on,” dagdag ni Yee, na kamakailan rin ay napiling bagong magtitimon sa Adamson University Lady Falcons sa isa pang collegiate league.
Hindi rin nagpahuli ang dalawa sa pangunahing scorer’s ng Taft-based lady spikers na sina Jade Gentapa na may 14pts mula sa 13 attacks, maging si Jhasmin Gayle Pascual na may 13.
Ang Lady Blazers ay huling beses nakatikim ng kampeonato noong 2016 sa samahan nina Djanel Welch Cheng, Jeanette Panaga at Melanie Torres matapos talunin ng tatlong beses ang San Sebastian.
Sa panig naman ng Arellano Lady Chiefs ay tatapos ito sa second place na may 7-2 kartada. (Gerard Arce)
The post Mycah, Benilde swak sa finals first appeared on Abante.from Abante https://ift.tt/GMRwEgv
via IFTTT
Comments
Post a Comment