Namanhid leeg, hita: Jeric naaksidente sa Laguna

Nataranta ako at nag-alala nang husto dahil sa nakarating sa aking kuwento na nadulas ang alaga naming si Jeric Gonzales noong Lunes ng tanghali sa garahe ng bahay nila sa Calamba, Laguna.

Nangyari raw ito noong paluwas na siya ng Manila. Tumama raw ang lower back niya at ulo sa sahig.

Pero, nakaya pa naman daw niyang mag-drive papuntang Manila. Pagdating niya sa condo sa Manila ay hindi na raw niya gaanong maigalaw ang leg niya, at para rin daw siyang nagka-stiff neck.

Bihirang dumaing si Jeric kahit may nararamdaman siya. Pero ‘yung hapon na ‘yon na pagdating niya sa Manila ay pinakiusapan niya kami kung puwede raw puntahan, bantayan muna namin siya sa condo habang pinakikiramaman niya ang sarili.

Naalarma ako siyempre at agad akong sumugod sa condo niya. Inaalala namin na baka naapektuhan ang spinal niya kaya nakakaramdam siya ng ganun.

After a few hours ay nagdesisyon kami na dalhin siya sa emergency room ng pinakamalapit na hospital. Ginawa naman ng mga doktor ang nararapat gaya n x-ray at iba pang mga gamutan na kailangan.

Mabuti naman ang naging resulta at normal daw ang lahat.

Pinaoobserba na lang ang ulo niya.

Siyempre ang taping agad ng ‘Start Up PH’ ang naisip ko at magkakaaberya na naman ito kung grabe ang nangyari kay Jeric.

Mark, Jennylyn tandem bet buhayin ni Lino

Isang guwapong-guwapong Lino Cayetano ang bumungad sa akin isang hapon sa Super Sam Restaurant sa Quezon City, para magpasalamat sa showbiz press, dahil daw sa mga nangyari sa buhay niya.

After 3 years serving the citizens of Taguig being their Mayor, na kung saan ay marami nga siyang pangarap para sa siyudad ng Taguig, pero naging malaking hapon nga `yon sa kanya dahil sa tatlong taon na ‘yon ay kasagsagan din ng pandemya.

Pero, naitawid naman daw niya ng maayos, at napangalagaan ang kalusugan ng mamamayan nila, pati na ang ekonomiya ng Taguig.

Balik showbiz nga si Direk Lino, na una ngang nagdirek ng StartStruck sa GMA, na kung saan ay sina Mark Herras, Jennylyn Mercado ang mga winner.

Wish niya na magkaroon ng sort of like a reunion ang mga StarStruck, at natutuwa raw siya na nagkatotoo ang mga pangarap niya noon na marami sa batch na ‘yon ang mananatili pa rin sa showbiz hanggang sa pagtanda nila.

Excited si Direk LIno sa pagbabalik niya sa showbiz at kasama ang ilang kaibigan ay nagtatag nga siya ng isang maliit na production company. Gagawa nga sila ng ng iba’t ibang project na ilalako nila sa mga malalaking TV network ng industriya.

Natutuwa si Direk Lino na nawala na ang network war at lahat ay nagbubuklod para sa ikakaganda ng mga napapanood ng mga Pinoy.

Kaya asahan natin na madalas na natin makikita at mapapanood ang mga project ni Direk Lino Cayetano sa iba’t ibang istasyon.

Puwede nga raw sa GMA 7, sa TV5, o kahit sa Kapamilya channel.

Congrats Pipo

Gusto kong batiin si Tirso Cruz III sa pagkakahirang ssa kanya bilang bagong Chairman ng FDCP (Film Development Council of the Philippines).

Siya ang itinalaga ni Panguong Ferdinand Romualdez Marcos Jr. sa naturang posisyon.

Matagal na palang dapat ay siya ang naluklok sa posisyon na ‘yon, at for some reasons ay naantala ito.

Ngayong natuloy na ay wish namin na sana ay ipagpatuloy niya ang magagandang project na nagawa ni Liza Dino.

Sobrang husay kasi ni Liza sa posisyon na `yon, at marami nga siyang nagawang pagbabago sa showbiz.

The post Namanhid leeg, hita: Jeric naaksidente sa Laguna first appeared on Abante.

from Abante https://ift.tt/md6T8Iy
via IFTTT

Comments

Popular posts from this blog

Shastaloo kakaripas sa Challenge Race

PBBM level: Andrew E. 1 batalyon bodyguard sa Canada