Papogi, palakasan hindi uubra sa NBA

Good day mga ka-Abante, ka-depensa at mga ka-netizen. Sa awa ng Diyos ako ay nakabalik na sa bansa natin nito lang nakaraang araw, July 1.

Sa aking tinagal-tagal ng 1 1/2 months sa Canada at Portland habang nagba-basketball clinic at nagpapaunlak ng mga Legends game sa ating mga kababayan, madalas dumaan sa aking isipan na ano ba ang pumipigil o humahadlang sa isang Pinoy sa NBA?

Sa aking palagay, may mga bagay na tinitignan ng mga NBA scout sa isang manlalaro. Mayroon silang mga checklist na dapat mong punuan kung gusto mong ikaw ay mapansin bilang prospect.

May mga bagay na dapat nandoon na sa isang NBA prospect, naturalesa na dapat ang sipag, height sa (tamang posisyon), skill set at driven to succeed..

Kung susuriin natin mabuti, kada NBA Draft Combine, meron lagi pinagagawa na biometrics sa isang tryout, ibig sabihin, sinusukat ang athleticism mo o inaalam ang vertical jump ng isang manlalaro. Sa ganitong paraan base sa postion ng player, may idea na ang scout kung ano na ang klaseng laro ang makikita nila dagdag pa ng iyong skill set.

Wing span – haba ng kamay na nakapagbibigay ng advantage sa isang player kahit alanganin ang height.

Sa bench press inaalam kung gaano kalakas ang isang prospect, kung ikaw ay isang center, dapat hindi bumababa sa 200lbs ang iyong kayang buhatin, base sa labanan sa loob ng court, Ang banggaan ay walang humpay at parang mga troso at tibay ng bayabas ang iyong sasagupain.

Sa sprint inaalam kung gaano katulin ang isang player sa 90ft at ang panghuli ang box sprint naman na kung saan malalaman nila kung gaano kaliksi ang player sa malapitang distansiya.

‘Ika nga nila “the best of the best” ang labanan sa NBA Draft Combine. Kinabukasan, pangarap at hanapbuhay ang nasa isip ng lahat ng lalahok dito.

Kaya ayan mga kababayan, may konting idea na tayo kung paano marating ang NBA. May proseso sila, puwede kang dumaan sa NBA Draft, G-League at Euro League. Lahat ng ito ay dapat mag-establish ka ng footprint o kaya pruweba na ikaw ay karapat-dapat sumubok sa NBA. Hindi uubra ang palakasan, patangkaran o papogian lang.

Meron ka dapat impressive na statistics to speak of.

Kaya ayan mga kababayan, kung nagbabalak kayo at meron kayong ganitong credentials, aba, sali na!

The post Papogi, palakasan hindi uubra sa NBA first appeared on Abante.

from Abante https://ift.tt/95zMeDH
via IFTTT

Comments

Popular posts from this blog

Shastaloo kakaripas sa Challenge Race

PBBM level: Andrew E. 1 batalyon bodyguard sa Canada