Pitz Beriña naluha sa ‘Kita Ay Mahal’

Hindi mo puwedeng tawaran ang husay sa pagkanta ng dating marino na si Captain Peter (Pitz Beriña) na tinaguriang Singing Captain.

Mula sa pagsampa sa mga barko, pagtatrabaho sa iba’t ibang international cruise lines, isa na nga siyang recording artist.

Sa presscon ni Pitz ay pinarinig nga niya ang kanyang awitin na “Kita Ay Mahal” na likha ni Vehnee Saturno, na tungkol sa wagas na pagmamahal.

May anim pang orihinal na kanta ang album ni Beriña at pitong cover songs na lahat ay Original Pilipino Music. Napapakinggan na rin sa mga radyo ang ni-revive niyang kanta na “Muli” na inawit ni Rodel Naval.

Nais ni Captain Peter na maging inspirasyon ng mga kapwa niya seafarer, pati na ng mga ordinaryong tao, na abutin ang mga pangarap – ano man ang kulay, edad, estado nila.

Kuwento niya, naluha siya nang una niyang mapakinggan ang awitin niya sa radio. Hindi nga siya makapaniwala na ang matagal na niyang pangarap ay naisakatuparan niya.

“Naging emotional talaga ako. Iba ang pakiramdam,” sabi ni Pitz.

Plano rin ni Pitz na pasukin ang media production, talent agency, dahil gusto niyang makatulong sa iba.

At ang nakakatuwa pa, plano rin ni Pitz na itayo ang institusyon na tutulong sa mga street people. (Dondon Sermino)

The post Pitz Beriña naluha sa ‘Kita Ay Mahal’ first appeared on Abante.

from Abante https://ift.tt/2ZAQou9
via IFTTT

Comments

Popular posts from this blog

Shastaloo kakaripas sa Challenge Race

PBBM level: Andrew E. 1 batalyon bodyguard sa Canada