‘Presidential Seal’ nagamit Koronang regalo kay Leni umani ng batikos, nangangamoy kaso

Paano kaya ipagtatanggol ng mga Kakampink star, celebrity gaya nina Janine Gutierrez, Edu Manzano, Cherry Pie Picache, Catriona Gray, Andrea Billantes, Agot Isidro, Bianca Gonzales, at iba pa, ang tungkol sa paggamit umano ng ‘Presidential Seal’ sa isang item sa museum ni Atty. Leni Robredo?
Nahaharap sa posibleng reklamo ang crown maker na si Jez Sto. Domingo, matapos gamitin at gawing palamuti sa ginawa niyang korona ang Presidential Seal, para sa ‘Angat Buhay’ Museum ni dating VP Leni.
Hindi raw nag-isip ang nasabing designer na maaari siyang malagay sa legal complaint o makasuhan, nang ipangalandakan, ipagmalaki niya ang dinensyong pink stone studded crown na may ‘Presidential Seal’ sa gitna.
Inalmahan ito ng mga netizen sa kanyang Facebook page at kasabay nang pagposte ng batas tungkol dito.
Nakasaad sa comment ni @monicabaganianbagsic ang dalawang section ng batas na nagbabawal sa unofficial use ng Presidential Seal ng sinuman, organization, sa lahat o ano mang paraan, pagbebenta man o distribution sa anumang form sa naturang seal.
Mahaharap sa parusa sa ilalim ng Article 179 of the Revised Penal Code, ang sinumang mapapatunayang lumabag sa batas na ito.
Maging ang kilalang journalist na si Malou Tiquia ay nagpaalala sa kanyang tweet sa batas na ito.
“The crown with the Presidential seal is a direct violation of the Heradic Code. RA 8491!”
Hindi maitatangging nagamit for display viewing ang korona. Nasa repost sa FB account ng isang June Laxa ang resibo na naka-display na ang korona sa museum ni VP Leni.
Saad pa niya, “Love this anak Jez Sto Domingo ang ganda ng pagkakagawa mo nasa Museum na ni Former VP Leni Robredo. One of the gifts to VP Leni that’s currently on exhibit as part of the launch activities for Angat Buhay NGO.”
Wala man laman sa mga staff ng ‘Angat Buhay’ ang nakapansin sa batas tungkol sa paggamit ng Presidential Seal’.
Sinusulat ang item na ito tahimik ang mga nabanggit na artista at iba pang celebrity na supporter ni Atty. Leni, at wala pa silang komento na nagtatanggol sa isyu ng korona at Presidential Seal.
Pero siguradong ‘yung mga ordinary netizen ay maglalabas ng ibang ebidensya ng paggamit sa ‘Presidential Seal’. (Rey Pumaloy)
from Abante https://ift.tt/UtuVpBC
via IFTTT
Comments
Post a Comment