Racasa, iba pa tutulak ng piyesa

NAKATAKDANG tumulak ng piyesa ang mga batang pambato ng Pilipinas na sina Antonelle Berte Racasa, Mhagie Gerriahlou Sebastian at Ruelle Canino sa National Age-Group Chess Championships Grand Finals na lalaruin sa Robinson’s Place-Malolos.

Masisilayan si Sebastian sa premier girls under-18 division, aarangkada si Canino sa U14 habang nakatoka si Racasa sa U16 kung saan punong-abala sa nasabing event si Malolos Mayor Christian “Agila” Natividad.

Nakataya sa six-day event ang slots sa ASEAN Youth Championship sa Bangkok, Thailand sa taong ito.

“The future of Philippine chess could be coming from this batch, that’s why we keep conducting tournaments like this so we could produce future Grandmasters and national team players,” saad ni National Chess Federation of the Philippines chief executive officer GM Jayson Gonzales.

Markado si Far Eastern University standout Sebastian matapos sikwatin ang korona sa national junior girls championship na ginanap sa PACE sa Quezon City.

Ang mga kasali ay binubuo ng top 12 finishers na nag-qualify via online regional elimination at semifinal rounds sa boys at girls U12, U14, U16 at U18 categories.

Kasali rin sa event na suportado ng Philippine Sports Commission, Malolos City, Philippine Olympic Committee at ni NCFP President at Chairman Butch Pichay sina Ivan Travis Cu, OJ Reyes, Christian Gian Karlo Arca, Lexie Grace Hernandez, Jerome Angelo Aragones, Rinoa Mariel Sadey at Kaye Lalaine Regidor. (Elech Dawa)

The post Racasa, iba pa tutulak ng piyesa first appeared on Abante.

from Abante https://ift.tt/GsdhwSq
via IFTTT

Comments

Popular posts from this blog

Shastaloo kakaripas sa Challenge Race

PBBM level: Andrew E. 1 batalyon bodyguard sa Canada