Tagumpay, kontrobersiya ng singer na si Felson Palad

Isang mahusay at kontrobersiyal na mang-aawit na si Felson Palad ang naimbitahan para umawit ng Pambansang Awit ng Pilipinas sa Dodgers Stadium sa Amerika. Ito ay para sa pagbubukas ng isang buwang selebrasyon ng Philippines Heritage para sa komunidad ng mga Filipino- American sa California.

Nagbukas ang oportunidad kay Felson ng siya ay nakita at napakinggan umaawit sa isang day care center o tawagin itong SOCAL para sa mga senior citizen na siya niyang adbokasiya. Ginagawa niya ito para aliwin ang mga matatanda at alayan ng mga awitin na makakapagpasaya sa kanila.

Napapanood din siya sa mga social at corporate events. Habang siya ay umaawit ng national anthem ng Pilipinas at Amerika ay may isang taga business entertainment ang kumuha ng video at ito nga ang nagbigay ng pagkakataon na siya ay maka-awit sa isang malakihang lugar tulad ng Dodgers Stadium.

Mabibilang na rin si Felson sa hanay ng mga tanyag na mang-aawit ang nabigyan ng pagkakataon na makakantasa ganitong lugar. Siya ay pinatawag ni Ginoong Ted Benito para makipag-ugnayan para dito at bigyan ng 1 minuto at 30 segundo para sa rendisyon ng Pambansang Awit ng Pilipinas.

Laking tuwa niya kaya naman ay talagang pinaghandaan niya ito ng mabuti dahil ito ay isang malaking pagkakataon para lalo pang makilala sa buong mundo.

Ayon kay Felson ang karanasan niyang ito ay tunay na nakakakaba pero sa grasya ng Diyos ay tunay na
nabigyan niya ng hustisya ang pag-awit ng ating national anthem. Ang okasyon na ito ay napanood sa lahat ng local TV channel sa California.

Ngunit sa kabila ng tagumpay ay laging may kaakibat na kontrobersiya.

Ano daw itong kontrobersiya? Una ay ang pagkakaroon niya ng relasyon sa isang sikat na aktres at DJ noong dekada 90’s na si Donita Rose. Ang pangalawa ay ang pag-awit niya na may kaugnayan sa PRIDE. Na misinterpret nila ang kanyang awitin at ang salitang Pride.

Sa pagsasalaysay sa akin ni Felson ay tila hindi naunawaan ng mga LGTBQ ang kahulugan ng kanyang saloobin. Kaya naman siya ay nagpapaumanhin sa lahat na hindi niya sinasadya at wala siyang
hangarin na saktan ang kalooban ng grupo. Malaki ang respeto niya sa mga ito at wala siyang karapatan na manghusga kahit kanino. Dahil para sa kanya ang Diyos lang ang may karapatan ang may kapangyarihan na maghatol sa atin lahat. Kaya huwag nawa naman daw siyang husgahan agad ng mga tao sa paligid tungkol sa Kontrobresya na ito.

Ayaw niyang makipag away at ayaw niya ng away. “Masyado ng magulo ang mundo kaya huwag na nating dagdagan pa ng gulo.. mas masaya kung lahat tayo ay nagmamahalan at nagtutulungan para maiangat natin ang dangal ng bawat isa at kapwa Pilipino”ayon kay Felson.

Si Felson ay nagsimulang umawit sa murang edad at ang kanyang ina ang kaunaunahang fan niya. At sabi nga ng yumaong ina ni Felson na siya ay aawit sa ibat ibang lugar at bansa. Nagkatotoo naman ang sinabi ng kanyang ina dahil nakapunta na rin siya sa Israel at Amerika para umawit. At ngayon nga ay isa na siyang Fil Am.

Unang nakilala si Felson bilang gospel singer na nagbigay sa kanya ng karangalan sa ibat ibang award giving bodies. Ayon kay Felson.. kahit ano man ang awitin niya mapa- jazz,pop o opera ang mahalaga ay makapagbigay pag-asa, pag-ibig at pananampalataya ang kanyang musika.

Sa mga naniniwala at nagtitiwala kay Felson.. PASIKATIN NATIN SIYA para maabot niya ang lahat ng tao mundo sa pamamagitan ng kanyang musika.

The post Tagumpay, kontrobersiya ng singer na si Felson Palad first appeared on Abante.

from Abante https://ift.tt/7aHM8wr
via IFTTT

Comments

Popular posts from this blog

Shastaloo kakaripas sa Challenge Race

PBBM level: Andrew E. 1 batalyon bodyguard sa Canada