Tunay na malasakit sa mga maysakit

Pinatunayan ni San Camilo de Lellis, ang patron ng mga ospital at maysakit na hindi balakid ang anumang kapintasan sa paglilingkod at pagtulong sa kapwa nang may tunay na malasakit. Hindi akalain ng santo na siya ay makararating sa tugatog ng kabanalan sapagkat siya isang sundalong nalulong sa pagkakasala at pagsususugal.
Isinilang si Camilo sa kaharian ng Naples noong 1550 at maagang naulila sa mga magulang kaya’t naging isang palaboy sa lansangan sa edad na labintatlo. Makisig ang pangangatawan niya kaya’t naging isang sundalo. Ngunit dahil sa kanyang bisyong pagsusugal at sa di gumagaling na sugat sa paa, natanggal si Camilo sa serbisyo at nawalan ng trabaho.
Noong Pebrero 2, 1575, nilapitan siya ng isang monghe sa kumbento ng mga Capuchino sa Mandredonia at pinagaralan nang gayon na lamang, anupa’t tumimong mabuti sa kanyang isipanan at damdamain ang aral ng paring iyon kaya si Camilo ay nagbalik-loob sa Panginoong Diyos. Iyon ang simula ng pagbabalik-loob at pagpapakabanal ng pusakal na sugarol na si Camilo.
Sa edad na dalawampu’t anim natanggap siya sa ospital ng San Giacomo sa Roma at nahirang bilang superintendente ng nasabing institusyon dahil sa kanyang dedikasyon sa pangangalaga ng mga pasyente. Naging kaibigan siya ni San Felipe Neri na nagsilbi bilang kanyang Spiritual Director at di nagtagal, sa edad na tatlumpu’t dalawa naordenahan si Camilo bilang pari.
Patuloy na nagdusa si Camilo sa kanyang di-gumagaling na sugat sa loob ng maraming taon ngunit hindi niya pinansin ang sakit, bagkus binuhos nalang ang atensiyon sa patuloy na pangangalaga sa mga may karamdaman sa pinagsisilbihang sa ospital. Puna ng Simbahan, “both in the matter of nursing and in the spiritual care of his charges, he was far ahead of his age.”
Di nagtagal, napag-isipan ni Camilo magtatag ng isang grupo para sa pangangalaga ng mga maysakit na binansagan niyang ‘Ministers of the Sick’ o ‘Fathers of the Good Death’ na di kalaunan ay tinawag na “Camilians”. Naging malamig ang pagkakaibigan nila ni Felipe sa proyeko dahil sa paniwalang di pa lubos na magaling si Camilo sa kanyang nakagisnang bisyo at malamang matukso daw muli ito pabalik sa pagsusugal.
Gayunman, nagkamali si Felipe sa paghuhusga sa kaibigang pari. Tumagal ang pasasagawa ng mabuti ni Camilo sa mga nagdurusa sa loob ng apatnapung taon. Pumanaw si Padre Camilo sa edad na animnapu’t apat noong Hulyo 14, 1614 at itinanghal na santo noong 1746. Noong 1886, hinirang siyang Patron ng mga maysakit ni Pope Leo XIII kasama ni San Juan de Dios.
Saad ng Simbahan, “the story of how Camillus, a wild and reckless youth, a vagabond gambler and a compulsive alcoholic, overtook Christ and served him in the poor is fascinating. It proves that beyond conversion, Camillus realized that charty was the only cause that made life worth living and dying for.”
San Camilo de Lellis, Ipanalangin Mo kami!
from Abante https://ift.tt/Sj3Ctq1
via IFTTT
Comments
Post a Comment