‘Wagi sa online’ Cardo Dalisay ‘di kayang padapain

Sa ika-pitong taon ng serye ni Coco Martin na “FPJ’s Ang Probinsyano,” patuloy pa rin itong inaabangan at pinag-uusapan ng mga loyal viewer.
Iba’t ibang mga ‘meme’ na nga ang nag-trending online sa mga nagdaang taon habang sinusubaybayan ng mga netizen ang mga laban ni Cardo Dalisay (Coco). Kaya naman laging pinag-uusapan din kung may teleserye bang kayang tapatan ang tagumpay ng “Probinsyano.”
May nagbalita na tinalo raw sa rating game ng katapat na programa ang “FPJ’s Ang Probinsyano.”
Well, mali nga raw na ikumpara ang rating ng dalawang serye dahil konti nga raw ang naabot ng mga istasyon kung saan pinapalabas ang “FPJAP.” Hindi nga ito gaya noong nasa channel 2 pa ito na napapanood sa buong bansa.
At habang hindi raw nalalagpasan ng kalaban ang all-time high TV rating ng “Probinsyano” na 47.2% noong Oktubre 4, 2018, hindi puwedeng sabihin na tinalo na nga si Cardo.
Pero kahit limited na lang ang naabot ng serye ni Coco sa free TV sa Pilipinas, patok na patok pa rin ito online. Umabot nga sila sa record-high na 321,373 concurrent viewers sa Kapamilya Online Live sa YouTube at umaabot din nang higit isang milyong view ang bawat episode sa loob lamang ng isang araw. (Dondon Sermino)
from Abante https://ift.tt/SUNxrQi
via IFTTT
Comments
Post a Comment