Young, Laguna tuloy ratsada

PINANGUNAHAN nina GM Rogelio “Banjo” Barcenilla, WIM Ummi Fisabilillah at IM Angelo Young ang Laguna Heroes para ilista ang 15-6 panalo kontra Manila Indios Bravos sa Professional Chess Association of the Philippines (PCAP) tournament na nilaro sa Chess.com, Miyerkoles ng gabi.
Pinisak ni many-time Battle of the GMs champion Barcenilla si NM Rolando Andador sa 28 moves ng English Opening, habang si Young, eight-time Illinois, USA champion ay nakaungos kay Dr. Jenny Mayor sa 36 moves ng Sicilian defense, Alapin variation.
Ang import ng Heroes na si Fisabilillah ay pinagpag si Woman Candidate Master Mira Mirano sa 53 moves ng Modern defense.
Suportado ng Jolly Smile Dental Clinic, KALARO, Greatech Philippines, Inc., SDC Global Choice Foods and AC Balinas Construction at ng Steel Works, kasama din sa nagkamada ng puntos sa Laguna sa rapid event ay sina Arena Grandmaster Kimuel Aaron Lorenzo at Christian Nanola habang draw ang laro ni Vince Angelo Medina.
“We are happy for beating Cagayan and Manila. Both of them are really strong teams. We are hoping that Laguna Heroes will continue their fine performance as we are nearing playoffs,” sabi ni Arena Grandmaster Dr. Fred Paez ng Jolly Smile Dental Clinic, isa sa apat na co-team owner ng Laguna Heroes na kinabibilangan nina Mr. David Nithyananthan ng KALARO at Greatech Philippines, Inc., Engr. Benjamin Dy ng SDC Global Choice Foods at Engr. Antonio Balinas ng AC Balinas Construction and Steel Works.
Unang nagwagi ang Laguna sa Cagayan Kings na may parehong 15-6 iskor. (Elech Dawa)
from Abante https://ift.tt/no5FjrW
via IFTTT
Comments
Post a Comment