Aiko umalalay sa mga nasunugan

Personal na umalalay at nagbigay ng tulong sa mga nasunugan sa kanyang nasasakupan ang aktres at Quezon City Councilor Aiko Melendez.

“Personal kong dinalaw ang mga nasunugan sa mga taga-Barangay Gulod, Sta. Veronica. Kahapon ay nagpahatid na po ang aming team ng tulong at kanilang agahan naman ngayong araw,” ayon sa Instagram post ni Aiko.

Sumiklab nga ang sunog sa naturang lugar nitong Miyerkules, Agosto 24.

Batid ng aktres ang hirap at kalungkutan na dinaranas ng mga taong nasusunugan kaya ganoon na lang ang kanyang malasakit sa mga ito.

“Lakasan po nyo ang inyong loob at makakaraos din po kayo.

“Kami po ay nakaantabay lang sa ano mang maitutulong pa namen. Karangalan ko po ang magserbisyo sa inyo,” dagdag pa ni Aiko.

Samantala, labis namang ikinatuwa ni Aiko na umabot na sa 1 million views ang vlog niya kung saan kasama nito ang anak na si Andre Yllana.

“1M views na po. Maraming salamat po sa lahat nanoud at manunuod po. Nakakatuwa na madami nainspire sa kwento ni @andreyllana. Yun naman ang hangarin po namen,” post pa ng aktres.

Sa naturang vlog nga ay nag-open up si Andre tungkol sa relasyon nila ng amang si Jomari Yllana. (Batuts Lopez)

The post Aiko umalalay sa mga nasunugan first appeared on Abante.

from Abante https://ift.tt/v5VCpcI
via IFTTT

Comments

Popular posts from this blog

Shastaloo kakaripas sa Challenge Race

PBBM level: Andrew E. 1 batalyon bodyguard sa Canada