Ang mga bonsai ni Kuya Ric

Isang makulimlim na hapon ng ako ay bumisita at nakausap ang mabait at maginoong may ari ng Ricardo’s Galleria Al Fresco.

Nung paretiro na si Kuya Ric Hernandez, mula sa kanyang busy executive na buhay sa multinational companies ay naisip na niya ang mas tahimik na pamumuhay. Namuhunan na siya ng vacation farm nung 2015 at nagtanim ng mga gulay, halaman at mga puno sa kanyang munting lupain sa Amadeo, Cavite. Nang matamnan niya ito ng mga halaman ay naisipan na rin niyang patayuan ito ng munting restaurant nung 2018 at dito na nga umusbong at nakilala ang Ricardo’s Coffee + Classic Cuisine. Ang mga gulay at ‘herbs’ ng ‘Continental at European’ style na pagkain dito ay nagmula sa kanyang mga pananim kaya naman nakakatiyak na ito ay talagang healthy at organic. Nung umpisa, maraming nagtaka kung papano nagkaroon ng European fine-dining resto sa gitna ng liblib na tahimik na bayan ng Amadeo. Pero ayon sa kanyang mga karanasan bilang matapang at malakas ang loob bilang executive.. Bakit nga naman hindi? Kaya naman ang Ricardo’s ang unang fine-dining European at Continental style na resto na naitaguyod sa Amadeo. At mula sa klase ng kanyang pamumuno ay na nabuo ni Ric ang magagaling at makaranasan na mga tao mula sa mga beterano sa economics, marketing, advertising at graphic designs na pinangunguhan ng kanyang mga anak na si Rafael at Raniel Hernandez at matalik na kaibigan na si Jig Juliano. Sa larangan naman ng culinary applications, ang kanilang mga kakaibang menu at recipe ay calibrated at supervised ng isang magaling at sikat na international chef na si Harold Nilooban. Bukod pa sa restaurant ang Ricardo’s ay isa ding art gallery.

Dahil si Kuya Ric ay angkan din ng mga mahilig sa musical and visual arts at may puso para sa mga artists, hindi na siya nag dalawang isip na sumuporta nang lapitan siya ng mga artists noong panahon ng pandemya para mai-display ang kanikanilang mga obra. Ito’y nagawa sa pamamagitan ng paglalagay ng espasyo para sa mga obra ng mga artists.
Mabibigyan niya ng lugar sa Amadeo ang mahihilig mangolekta ng mga obra ng mga artists para sila ay bumili dito. Kaya naman ito ay naging Ricardo’s Galeria Al Fresco. Ilan na rin sa mga sikat at baguhang artist ang nakapag exhibit dito. Kaya naman kung makakapunta ka sa Ricardo’s tiyak maaliw ka sa harana ng mga musikero habang ikaw ay kumakain ng masasarap na pagkain at tiyak makaka bili ka din ng mga Obra na likha ng magagaling na artists.

Ang katapat sa malamig at sariwang klima ay ang sikat at mainit na kape ng Amadeo kasama na rin ang Ricardo’s own baked na “sourdough” na mga tinapay tulad ng Baguette, Batard, Tartine at ang kanilang sariling sourdough Pan De Sal at mga pastries na pang dessert o meryenda.

Sa patuloy na pakikipag-usap ko kay kay Kuya Ric ay napansin ko na walang kapaguran sa pag kuwento at masayahing tao. Nasabi niya na sa pamamagitan ng pag hihikayat niya sa kanyang mga tauhan na mag sumikap at mangarap para umasenso sa kanilang mga pamumuhay. Dahil nais niyang matuto ang mga ito ng tunay na pakikipag halubilo sa mga tao at paano makipag usap ng propesyonal. Dahil si Kuya Ric ay nagmula at nakilala sa corporate world.
Hindi lang yan ang maaring mararanasan at makikita sa Ricardo’s.

Matatagpuan din ang Ricardo’s Bonsai Garden. Isa na rin sa kilalang Lugar sa Amadeo ang kanyang bonsai garden kung saan makikita ang kanilang mga Award-winning Bonsai collections. Kamakailan lang ay sumabak sa paligsahan sa Cavite bonsai club na kaapilyado ng Philippines Bonsai Society Inc. “ReBornsai: Muling Pagsibol” Show and Contest noong July. Ang apat sa kanilang limang entry na Bonsai Collection ay nakapag uwi ng matataas na Parangal tulad Bronze, Silver at ang Gold. Tunay na pinagmamalaki ni Kuya Ric ang kanyang mga tauhan at Bonsai Collection.

Kaya po talaga ako pumunta sa kanilang lugar upang makita ko ang kanyang mga Bonsai Collection. Ang naalala ko pa noong mga dekada 80’s hanggang 90’s ay talagang sikat na sikat ang mga Bonsai. Halos lahat ng Tahanan ay may Bonsai. Kaya ngayon dekada 2022 ay muli ang pag usbong ng Bonsai kaya naman nagkaroon ng paligsahan ng “the ReBornsai” o Muling Pag sibol.

Nakilala ko din ang ang kanyang magaling at masipag na mangangalaga ng kanyang farms at Bonsai Garden na si Enrico Cantuba na isang Bonsai enthusiast at ngayon ay seryosong hobbyist.

Ano nga ba ang bonsai? Ang bonsai ay isang ornamental Tree na itinanim sa isang maliit na lalagyan upang pigilan sa pag laki nito. Ito rin ay isang sining kung saan pinapallit ang isang puno upang maihugis ayon sa anyo na gustong iporma ng isang Bonsai Artist.

Ayon sa mga eksperto ang Bonsai ay isang Japanese Art form na nagmula sa Chinese Art ng Penjing Ilang libong taon na ang nakaraan. Ang bonsai ay nagmula sa isang klase ng sining para lumikha ng isang maliit na puno na mula sa malaking puno.

Ang bonsai ay gumagamit ng isang Horticultural techniques na may artistic applications para gumawa ng isang replika ng malaking puno para paliitin ito.Pinoporma at pinipigilan ang pag laki ng isang puno sa pamamagitan ng mga alambre na kinakabit sa mga sanga. Pag nakaporma na ay saka ito aalisin .

Ang paggawa ng bonsai ay pagpapakita ng emosyon ng isang bonsai artist at dito din nakikita ang tunay na relasyon nito sa kapaligiran

Kaya kung mapupunta kayo sa Amadeo, Cavite tiyakin ninyong dumaan sa Ricardo’s Galleria Al Fresco at makikita ninyo ang mga award winning na pinagmamalaking Bonsai Collection ni Kuya Ric. Pasikatin Natin ang dati ng sikat na Bonsai.

The post Ang mga bonsai ni Kuya Ric first appeared on Abante.

from Abante https://ift.tt/On789h1
via IFTTT

Comments

Popular posts from this blog

Shastaloo kakaripas sa Challenge Race

PBBM level: Andrew E. 1 batalyon bodyguard sa Canada