Asia’s Sprint Queen, 57: Diay tinapos huling karera!

PUMANAW na ang tinaguriang Asia’s Fastest Woman na si Lydia de Vega-Mercado sa edad na 57, Miyerkoles ng gabi.

Ito ang kinumpirma ng kanyang anak na si Stephanie Mercado-de Koenigswarter o mas kilala sa tawag na Paneng at dati ring volleyball player.

Apat na taong nakipaglaban sa sakit na breast cancer ang Asia’s Sprint Queen na si “Diay” sa karamihan.

Sa kanyang social media post, malungkot na inanunsiyo ni de Koenigswarter ang pagpanaw ng kanyang ina.

“She fought a very good fight and is now at peace,” ayon sa post ni de Koenigswarter o Paneng.

Hindi malilimutan ang karangalan na inambag ni De Vega-Mercado sa larangan ng sport kung saan 15 gintong medalaya ang kanyang naiuwi buhat sa iba’t ibang international competitions gaya ng Asian Athletics, Asian Games at Southeast Asian Games.

Naging Olympian din si De Vega-Mercado noong 1984 Summer Olympics na ginanap sa Estados Unidos at noong 1988 sa Seoul.

Matapos ang Southeast Asian Games (SEAG) noong 1993, nagretiro sa edad na 30 si De Vega Mercado at pinili na mabuhay ng tahimik sa Singapore at doon ay nagtrabaho siya bilang coach.

Taong 2018, pinarangalan siya bilang Hall of Famer ng Philippine Sports Commission (PSC) kung saan ay napansin ng lahat ang maikling buhok niya na noong panahong pala iyon ay nakikipaglaban na siya sa breast cancer.

Pagsapit ng 2019, huling nasilayan ng publiko si De Vega-Mercado nang dumalo siya sa SEAG closing ceremony kasama ang iba pang mga pinagkakapuring Olympians ng bansa. (Annie Abad)

The post Asia’s Sprint Queen, 57: Diay tinapos huling karera! first appeared on Abante.

from Abante https://ift.tt/aA3vOhn
via IFTTT

Comments

Popular posts from this blog

Shastaloo kakaripas sa Challenge Race

PBBM level: Andrew E. 1 batalyon bodyguard sa Canada