Beer, Tropa tatagay sa East Asia hoops
SASABAK ang San Miguel Beer at TNT Tropang Giga para sa nakatayang US$1-milyon matapos na makuha ang karapatang kumatawan sa Philippine Basketball Association sa kauna-unahang home-and-away tournament ng rehiyon matapos itakda ang title showdown para sa Philippine Cup.
Sumabak na din ang Beermen at Tropang Giga sa EASL Terrific 12 noong 2019 kasama ang Blackwater, nakaabante sa semifinals ang SMB ngunit natalo sa tinanghal na kampeon na Liaoning Flying Leopards.
Magsisimula ang Game 1 ng PBA Philippine Cup best-of-seven title series sa Linggo sa Smart Araneta Coliseum.
Kung sino ang tatanghaling kampeon ay makakasama sa Group A ang Anyang KGC, Ryukyu Golden Kings, at Taipei Fubon Braves, habang ang runner up ay kasama sa Group B ng Seoul SK Knights, Utsonomiya Brex, at ang Bay Area Dragons.
Ang EASL Season 1 ay magsisimula sa Oktubre 12 na may laro bawat isa sa Seoul at Manila.
Bibiyahe ang all-Filipino Cup champion sa Korea at haharapin ang Anyang KGC na magpaparada sa Filipino recruit na si Rhenz Abando, ang NCAA Rookie-MVP mula Letran.
Host naman ang Philippine Cup runner up ng Bay Area Dragons sa Manila.
Ang bansa ay napili rin bilang lugar ng kauna-unahang EASL Final Four na itinakda Marso 3-5 sa susunod na taon. (Lito Oredo)
from Abante https://ift.tt/kQSzZ45
via IFTTT
Comments
Post a Comment