Castro marami pang ibubuga

NAGULANTANG ang sambayanang Pilipino sa mga nagsipanaw na sikat na personalidad sa bansa pagpasok ng buwan ng Agosto.

Sunod-sunod na pumanaw sina dating Pangulong Fidel V. Ramos (July 31), ang ‘La Primera Kontrabida’ ng Philippine showbiz na si Cherie Gil (Agosto 5), ang batikang sport columnist at reporter na si Ma’am Maloua Aquino Manuel (Agosto 9), dating PBA player Dong Polistico (August 10) at ang Asia’s Sprint Queen Lydia De Vega-Maercado (Agosto 14).

Saludo po tayo at nagpapasalamat sa mga nabanggit na pangalan dahil lahat po sila ay may malaking ambag sa kani-kanilang larangan.

Sa kanilang pamilya at mga mahal sa buhay na naiwan, ang taos-pusong pakikiramay po ng Benchwarmer.

***

Balik sa Philippine Cup finals ang defending champion TNT Tropang Giga matapos sibakin sa Game 6 ang Magnolia Chicken Timplados Hotshots.

Waiting sila ng makakalaban sa best-of-seven championship round sa pagitan ng San Miguel Beermen at Meralco Bolts, na magpapatayan pa sa do-or-die Game 7.

Petmalu pa rin si Jayson Castro, humarabas ng 26 markers sa Game 6 win ng TNT kontra Hotshots 87-74.

Para sa akin, si Castro pa rin ang heart and soul ng TNT kahit pa nariyan na ang volume scorer na sophomore guard na si Mikey Williams.

Hindi ako magtataka, bagkus ay umaasa ako na si Castro ang tatanghaling Most Valuable Player ngayong season, lalo na kung hindi papasok ang SMB sa finals na siyempre pa pinamumunuan ni 6-time MVP June Mar Fajardo.

Interesting din kung puro MVP squad (TNT kontra Meralco) ang maglalaban sa finals dahil kung hindi po ako nagkakamali, una po ito kapag nagkataon.

The post Castro marami pang ibubuga first appeared on Abante.

from Abante https://ift.tt/IbYz45s
via IFTTT

Comments

Popular posts from this blog

Shastaloo kakaripas sa Challenge Race

PBBM level: Andrew E. 1 batalyon bodyguard sa Canada