Clarkson ganado drumibol sa Gilas

OPTIMISTIKO ang Utah Jazz guard na si Jordan Clarkson na matulungan ang Gilas Pilipinas na makaahon mula sa nalasap na masasaklap na kabiguan sa pagdating nito sa bansa Biyernes upang maglaro para sa national squad sa ikaapat na window ng 2023 FIBA World Cup Asian Qualifiers.
“Awesome, awesome,” sabi ng Fil-Am na si Clarkson sa mainit na pagsalubong sa pagdating sa bansa sakay ng flight ng Philippine Airlines mula Los Angeles.
“I am ready,” matipid na sagot ng 30-anyos na si Clarkson na agad sinundo ng kinatawan ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) para sa unang tour of duty sa pagrerepresenta sa bayan ng kanyang ina sa unang pagkakataon mula noong huling maglaro sa 2018 Asian Games.
“Just win out there. Let’s do it,” sabi pa nito.
Makakasama ni Clarkson sa unang pagkakataon ang 19-anyos na 7-foot-3 na si Kai Zachary Sotto na matatandaan na nagtangkang mapabilang sa NBA sa pagsali sa rookie draft.
Ang Australia-based at miyembro ng Adelaide 36ers na si Sotto ay hindi naman napili ng anumang koponan.
Unang pagkakataon din ng dating NBA Sixth Man of the Year maglalaro kasama ang pinaghalong PBA stars, college standouts, at overseas-based players na pasiglahin ang Gilas matapos ang magkakasunod na nakakadismayang resulta sa pagsabak nito sa Southast Asian Games at sa FIBA Asia Cup.
Magtutungo ang Gilas sa Agosto 25 para sa ‘away game’ nito kontra Lebanon bago sundan ng home game laban sa Saudi Arabia sa Agosto 29. (Lito Oredo)
from Abante https://ift.tt/3wn6W0P
via IFTTT
Comments
Post a Comment