Clarkson gigil sa Lebanon

INAMIN ni Utah Jazz guard at dating NBA Sixth Man of the Year na si Jordan Clarkson na matagal na niyang ninanais na makapaglaro ulit para sa Gilas Pilipinas na tuluyang matutupad sa Biyernes sa pagsusuot nito ng bandila ng bansa kontra Lebanon sa gaganaping ikaapat na window ng FIBA World Cup Asia Qualifiers sa lugar ng Beirut.

“This is big time. I am so excited about the opportunity playing for the Philippines for al long time. I just want it to be great soon enough. I have been waiting for this for a long time, It is the best time,” sabi ng 30-anyos na si Clarkson.

“I am really excited. I can’t wait to suit up and wait for me to give back,” sabi ni Clarkson, na pilit tutulungan ang Gilas Pilipinas na makaahon mula sa sunod-sunod na kabiguan simula sa 31st Sutheast Asian Games hanggang sa 2022 FIBA Asia Cup.

“Both countries are very good and talented and I’m just so excited to play and compete with these guys and share the court with them,” sabi pa ni Clarkson, na makakasama ang 7-foot-3 na si Kai Zachary Sotto na nagnanais naman makapaglaro sa NBA.

“For me, it is always an honor sa kahit na sinong player o athlete na isuot ang uniporme ng Pilipinas. Kapag suot ko ang uniporme natin, I always make sure I give out all my best. Pinaghahndaan talaga namin ang dalawang laban at hindi namin ina-understimate ang Lebanon. Alam natin na parehas mahusay ang dalawang team kaya inaasahan namin na magiging maganda ang labanan,” sabi naman ng miyembro ng Adelaide 36ers sa NBA na si Sotto. (Lito Oredo) .

The post Clarkson gigil sa Lebanon first appeared on Abante.

from Abante https://ift.tt/fJGVdr1
via IFTTT

Comments

Popular posts from this blog

Shastaloo kakaripas sa Challenge Race

PBBM level: Andrew E. 1 batalyon bodyguard sa Canada