Clarkson parating na: Sotto sabak agad sa Gilas

SASABAK na agad si Kai Zachary Sotto sa ensayo matapos dumating sa bansa Huwebes ng gabi upang maglaro para sa Gilas Pilipinas sa ikaapat na window ng FIBA World Cup Asian Qualifiers.

Ang 7-foot-3 na si Sotto ay lumapag sakay sa Qantas flight mula Sydney kung saan ang napakataas nitong pigura sa NAIA Terminal 3 ay sinalubong ng mga tagahanga at naghanap ng mga selfie bago siya sinundo ng mga opisyal ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP).

Tiyak na malaking tulong ang pagdating ni Sotto sa pambansang koponan na kinaikailangan ng suporta matapos na mahulog sa sunud-sunod na kabiguan sa internasyonal na torneo.

Nakatakdang sumama ang Adelaide 36ers sophomore sa Gilas sa pagsasanay Sabado ng hapon sa Meralco Gym, eksaktong anim na araw bago umalis ang koponan patungong Beirut upang maglaro sa ‘away qualifier’ laban sa Lebanon sa Agosto 25.

May home game din ang Gilas kontra Saudi Arabia sa MOA Arena sa Agosto 29.

Nakatakda na ring dumating ngayong gabi si Utah Jazz guard Jordan Clarkson, na magsisilbing naturalized player ng Gilas.

Bagaman ang mga laro ay walang epekto dahil ang Pilipinas ay nakatitiyak sa isang slot sa World Cup bilang host, asam pa rin ng Gilas ang mga tagumpay para sa koponan na nangangailangan ng moral booster matapos maging punto ng mga kritisismo nang mawala ang gintong medalya sa SEA Games at bumagsak sa ika-siyam sa FIBA Asia Cup. (Lito Oredo)

The post Clarkson parating na: Sotto sabak agad sa Gilas first appeared on Abante.

from Abante https://ift.tt/vkmuYHU
via IFTTT

Comments

Popular posts from this blog

Shastaloo kakaripas sa Challenge Race

PBBM level: Andrew E. 1 batalyon bodyguard sa Canada