Clarkson, Sotto sayang ang oras

Cyreel Zarate

KINUMPIRMA ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) na lalaro para sa Gilas Pilipinas sila NBA guard Jordan Clarkson at Australia NBL center Kai Sotto para sa fourth window ng FIBA World Cup Asian Qualifiers sa August 25 at 29.

Bagaman hindi pa kumpleto ang roster ng national team, tila liyamado silang haharap laban sa Lebanon at Saudi Arabia.

Kaso tulad ninyo, napakamot din ang ulo ko nang sinabi ni Gilas head coach Chot Reyes na “we really don’t need to win the game against Lebanon.”

Una, para saan pa ang pagkumbinsi ng SBP na maglaro sina Clarkson at Sotto kung hindi naman priority ang manalo sa Lebanon? Saka hindi ba kawalan ng respeto ‘yun sa koponan nila?

Naiintindihan ko na ang main goal ng Gilas ay ang makuha ang best team para sa 2023 FIBA World Cup kung saan tayo ang isa sa mga host, at alam ko na qualified na ang Philippines kahit matalo pa sila sa mga iba pang windows ng Asian Qualifiers.

Pero kaya tayo naglalaro, para manalo, hindi ba mga ka-Abante? Kung sa mga larong kanto nga lang eh nagpapatayan na sila para sa pustahan nilang ice tubig o softdrinks, paano pa kaya ang paglalaro para sa bayan?

Pagod na rin tayong mga fan na makitang matalo ang Gilas simula noong naagawan tayo ng gintong medalya sa 31st Southeast Asian (SEA) Games at natsugi rin sa 2022 FIBA Asia Cup.

Aksaya rin sa oras nila JC at Kai ang pagsali sa Gilas dahil imbis na nakatuon ang atensiyon sa sarili nilang team, sasalang sila sa isang-linggong training lang na hindi pala priority ang manalo.

Hindi naman sa pinapasaringan ko si Coach Chot, alam kong ginagawa niya lang ang makakaya niya base sa hawak niyang baraha. Subalit sa mga ganitong statement niya ay hindi nakakatulong sa reputasyon niya lalo, pati na rin sa morale ng mga fan ng Gilas na alam naman natin na banas na banas na.

Kayo mga ka-Abante, tingin ninyo ba difference maker pa rin sila Clarkson at Sotto para sa Gilas? Salamat po at mag-iingat kayo palagi!

The post Clarkson, Sotto sayang ang oras first appeared on Abante.

from Abante https://ift.tt/ZHvrjq3
via IFTTT

Comments

Popular posts from this blog

Shastaloo kakaripas sa Challenge Race

PBBM level: Andrew E. 1 batalyon bodyguard sa Canada