FINIS National Finals sa Clark

LALARGA ang 2022 FINIS Short Course Swim Championship National Finals ngayon sa Olympic-sized New Clark City Aquatic Center sa Tarlac.
Tampok ang mahigit 300 swimmers mula sa Luzon, Visayas at Mindanao sa torneong pinamumunuan ni FINIS Philippines Managing Director Vince Garcia.
“We’re now on the exciting part of the competition. After the culmination of the Mindanao leg last August 6-7 in Digos City, question now is who are really the best swimmers?” sabi ni Garcia.
Ang pinakamahusay na 16 na batang atleta mula sa isinagawang qualifying stage noong Abril sa Luzon leg na sinundan ng Visayas leg nitong Hulyo ay maglalaban-laban para sa Finals ng kompetisyon na disenyo sa programa ng international meet.
Naghihintay sa mga magwawagi ang napakagandang medalya na disenyo ni Garcia at traning package na nagkakahalaga ng P100,000.
“We’re coming out with this package to really inspired our young swimmers. Actually, we’re doing this kind of training program to our swimming ambassadors like Kyla Soquillon and Jasmine Mojdeh. We’re planning to send them to FINIS training center in the US in the future,” dagdag ni Garcia.
Bagamam ang FINIS ay naging bahagi ng swimming at aquatics competition bilang sponsor at partner sa loob ng maraming taon, sinabi ni Garcia na ang FINIS Swim Championship ay nag-iwan ng isang espesyal na lugar sa kanyang puso dahil ito ay isang katuparan ng kanyang mga pangarap.
“I want to inspire our young swimmers, that’s my long time dream. Gusto kong makita silang nagko-compete sa isang torneo na parang lumalaban ka na sa international event not just sa environment, sa medalya but sa uri ng mga technical personnel,” sambit pa ni Garcia, patungkol sa propesyunal na swimming technical group na pinangungunahan ng dating swimming coach at UAAP Commissioner Richard Luna.
Ang delegasyon ng Mindanao ay binubuo karamihan ng mga miyembro ng Mt. Apo Swim Team na nakakuha ng pinakamaraming puntos at kinoronahang kampeon sa Mindanao leg dalawang linggo na ang nakakaraan sa Davao del Sur Olympic pool sa loob ng bagong itinayong Governor Douglas RA Cagas Sports, Cultural at Business Complex sa Matti.
Ang pambansang junior standout at record holder na si Jasmine Mojdeh at ang mga kilalang junior swimmers mula sa Swimming League Philippines (SLP) na kinabibilangan ng magkapatid na sina Heather at Rueben White, Yuan Parto, Marcus de Cam at Niel Paderes ang nanguna sa Luzon tankers, habang ang isa pang pambansang atleta na si Kyla Soquillon ng Kalibo, Aklan ang nangunguna para sa Visayas squad. (Abante Sports)
from Abante https://ift.tt/jlwSqQM
via IFTTT
Comments
Post a Comment