Kabayo ni Elmer kakalembang

MAKIKILATIS ang husay ng magka-kuwadrang Orange Bell at Buena Bell paglarga ng 2022 Philracom “2-Year-Old Maiden Stakes Race” na ilalarga sa Metro Turf sa Tanauan City, Batangas ngayong araw.

Inaasahang magiging mahigpit na kalaban ng pambato ng Bell Racing Stable na pag-aari ni Elmer De Leon sina Istulen Ola at magkakamping Cole Is A Roll at Sonic Clay sa naturang 1,400-meter race.

Rerendahan ni former Philippine Sporstwriters Association (PSA) Jockey of the Year awardee Jonathan Hernandez si Orange Bell, habang si Pabs Cabalejo ang sasakay kay Buena Bell sa event na suportdo ng Philippine Racing Commission sa pamumuno ni chairman Reli De Leon.

Maliban kina Istulen Ola, Cole Is A Roll at Sonic Clay, ang ibang kalahok sa karerang nakalaan ang P1M guaranteed prize ay sina Alalum Falls, Bandido, Galactus, Stealing Heaven, Sylvia Plath at Wind Master.

Hahamigin ng owner ng mananalong kabayo ang P600,000, ibubulsa ng may-ari ng pangalawang kabayong tatawid sa meta ang P200,000 habang P100,000 at P50,000 sa third at fourth placers.
(Elech Dawa)

The post Kabayo ni Elmer kakalembang first appeared on Abante.

from Abante https://ift.tt/XygitUZ
via IFTTT

Comments

Popular posts from this blog

Shastaloo kakaripas sa Challenge Race

PBBM level: Andrew E. 1 batalyon bodyguard sa Canada