King Tiger wagi sa 4YO Sprint

IPINAKITA ni King Tiger ang husay nito sa rematehan matapos manalo sa 2022 Philracom 4-Year-Old & Above Sprint Race na inilarga sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite Linggo ng hapon.

Lumabas na panglima si King Tiger na sinakyan ni class A jockey John Alvin Guce habang nasa unahan ang matulin sa largahan na si Mommy Caring.

Hawak ni Mommy Caring ang apat na kabayong bentahe sa nagpupukpukan sa segundo puwesto na sina Asiong at Stardust papagsok ng huling kurbada.

Subalit sa huling 50 metro ng bakbakan sa rektahan ay sumagitsit papuntang unahan si King Tiger upang ungusan si Mommy Caring at manalo ng may isang kabayo ang distansiya.

Nirehistro ni King Tiger ang 58 segundo sa 1,000-meter race sapat upang ibulsa ng owner nito ang P900,000 premyo sa event na suportado ng Philippine Racing Commission (Philracom) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon.

Hinamig ng owner ni Mommy Caring ang P300,000, napunta ang P150,000 at P75,000 sa mga may-ari ng third at fourth placer na sina Flattering You at Stardust, ayon sa pagkakasunod. (Elech Dawa)

The post King Tiger wagi sa 4YO Sprint first appeared on Abante.

from Abante https://ift.tt/j27xlWf
via IFTTT

Comments

Popular posts from this blog

Shastaloo kakaripas sa Challenge Race

PBBM level: Andrew E. 1 batalyon bodyguard sa Canada