Mariano pasiklab sa Stockholm Chess

NAGPAPAKITA ng bangis si Woman International Master Cristine Rose Mariano ng ‘Pinas sa kasagsaagang Stockholm Open Chess Championships 2022 sa Sweden.

Sumalo ang five-time Chess Olympiad veteran sa top spot at nakatatandang kapatid ni Grandmaster Nelson Mariano II, pagkagiba kay Swedish Birger Wenzel sa round three upang ilista ang perfect three points kasama ang tatlo pang woodpusher.

Kasalo ng five-time national champion at dating top player ng bansa, Philippine Air Force at University of the East Lady Warriors, sa tuktok sina event top seed Grandmaster Jonathan Westerberg, Simon Marder at Dan Eriksson na pawang mga Swede rin.

Dinemolis ng 49 na taong-gulang na Pinay na nakabase na sa Umeå, Sweden at estudyante ng Astar Culinary School sina Simon Swiss Ingleman-Sundberg sa first round at si Sture Lindberg na Suwiso rin sa second round ng torneo.

Nakatoka kay Mariano sa fourth round si Eriksson.

Isa sa mga pinakamalalakas na chess player ng bansa bago nanirahan sa Sweden, siya ang pinakabatang babae na nag-national champion sa ‘Pinas sa edad na 14 noon. Nanalo pa siya ng apat pagkaraan ang napabilang sa PH Olympiad Team ng limang ulit.

Aktibo siyang kasapi ng Rockaden Umea Schack Klubb, chess club sa Sweden, at isa ring Arena Grandmaster (AGM) titlist ng FIDE (World Chess Federation), karangalang pinagkakaloob sa player na tigasin sa mga online tournament.

Si Mariano rin ang unang Pinay na naging FIDE instructor. (Elech Dawa)

The post Mariano pasiklab sa Stockholm Chess first appeared on Abante.

from Abante https://ift.tt/px8cR3P
via IFTTT

Comments

Popular posts from this blog

Shastaloo kakaripas sa Challenge Race

PBBM level: Andrew E. 1 batalyon bodyguard sa Canada