Mga market analyst natuwa: Vice nagbunyi sa ABS-CBN, TV5 partnership

Super happy nina Vice Ganda at mga co-host niya sa “It’s Showtime” sa partnership deal ng ABS-CBN at TV5.
“Congratulations to ABS-CBN and TV5 sa bagong partnership deal! Napakagandang balita sa lahat ng mga Kapamilya, sa lahat ng mga Kapatid, at sa lahat ng mga empleyado,” sabi ni Vice.
“Mas marami pang programa ang ABS-CBN na mapapanood sa TV5 at mas maraming audience ang maaabot natin nang magkakasama, Kapatid at Kapamilya,” dagdag niya.
Nagpasalamat din sila sa TV5, Media Quest, at kay MediaQuest Holdings Chairman Manny V. Pangilinan sa pagbibigay muli sa ABS-CBN ng magandang oportunidad.
Natuwa rin ang mga market analyst sa pangyayaring ito.
Sabi ni Manny Ocampo ng Investment & Capital Corporation of the Philippines, makikinabang ang mga manonood pati advertisers sa deal na ito.
“I believe it should be positive for both ABS-CBN and the MVP group in TV5. Two things here going with this deal- we are giving consumers (TV audience) choices, and advertisers too,” sabi pa niya.
Para naman kay Ed Francisco ng Capital and Investment Corporation ay buong industriya ang makikinabang rito.
“I think it would be good for the industry especially for ABS who has content but needs a platform,” komento niya.
Nagbigay rin ng pahayag ang convenor ng Infra Watch, isang pribadong think group, na si Terry Gidon tungkol sa nasabing deal. Ayon sa kanya ay wala siyang nakikitang violations sa deal na ito at hindi naman nito nililimita ang kompetisyon sa networks. Sinabi pa niya na kung sakaling i-review ito ng Philippine Competition Commission ay wala naman itong masisilip na anomalya lalo pa at hindi naman ABS-CBN at TV5 ang nagdo-domina sa broadcast industry.
“We don’t see any basis for PCC to strike the deal, as this does not involve a transaction which will reduce or limit competition. In fact, when ABS-CBN lost its franchise in 2020, it ceased to be the dominant player in the broadcast segment. TV5 has not yet attained that dominant status in the same sector,” saad pa ni Ridon.
Well panimula pa lang ito ng magagandang balita na hatid ng dalawang network tungkol sa deal na ito. (Dondon Sermino)
The post Mga market analyst natuwa: Vice nagbunyi sa ABS-CBN, TV5 partnership first appeared on Abante.from Abante https://ift.tt/o0h8KXi
via IFTTT
Comments
Post a Comment