Mojdeh lalangoy sa World Juniors

KUNG karangalan at tagumpay lamang ang pag-uusapan, sapat na ang listahan ng batang si Jasmine Mojdeh sa kanyang murang edad.
Ngunit hindi magpapaawat ang 16-anyos na pambato ng Philippine swimming team dahil sasabak siya sa nalalapit na 8th FINA World Junior Championships na gaganapin sa Videna Aquatic Center sa Lima, Peru Agosto 30 hanggang Setyembre 4.
Si Mojdeh ay sasabak sa mga event na 400m freestyle, 100m butterfly, 200m butterfly, 200m IM at 400m IM.
Edad 13-anyos pa lamang ay nakapagbigay na ng karangalan sa bansa ang batang si Mojdeh sa kanyang pagsbak sa 19th Asian Age Group Swimming Championships noong 2019.
Nakakuha ng slot sa finals si Mojdeh para sa mga event na 50m breaststroke, 50m butterfly, 100m butterfly at 200m butterfly.
Sinira din ni Mojdeh ang Junior National record ng Pilipinas sa 100m butterfly, 200m butterfly at 200m IM nang paulit-ulit.
Nagreyna si Mojdeh sa mga kompetisyon na Batang Pinoy at Palarong Pambansa sa kanyang batang edad. (Annie Abad)
The post Mojdeh lalangoy sa World Juniors first appeared on Abante.from Abante https://ift.tt/cDMPYbf
via IFTTT
Comments
Post a Comment