Na-expire na lafang binenta: Marian, Camille ginamit sa pambubudol

Nagbabala si Camille Prats sa mga taong gumagamit sa kanyang pangalan upang magbenta ng mga produkto na expired na. Marami umano ang nagme-message sa kanya at nakakatanggap siya ng reklamo dahil dito.

“Please read! I have been getting a lot of messages about this photo of our family endorsing some snacks and cereals. Guys, this is a scam,” post ni Camille sa Instagram.

Ni-report na umano niya ito, ngunit patuloy pa ring gumagawa ng account upang makapanloko using her name.

Payo niya sa mga netizen, “Always check if the account is verified before clicking/purchasing. Let’s all be vigilant in posts like these. Madami ng magaling mag-edit at mangbudol.”

Pinakita ni Camille ang photo na ginagamit ng scammer, at ang isang mensahe sa kanya ng isang nabiktima nito.

Napabili raw ang naturang biktima dahil si Camille raw ang endorser nito, na ang problema, expired na ito. Hindi na umano nito makontak ang seller matapos ang transaksyon.

Damay pa pati pangalan ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera dahil base sa post ni Camille tungkol sa scammer, rekomendado rin umano ito ng asawa ni Dingdong Dantes.

Umaasa si Camille na mahuhuli or wala nang mabibiktima pa ang naturang scammer. (Batuts Lopez)

The post Na-expire na lafang binenta: Marian, Camille ginamit sa pambubudol first appeared on Abante.

from Abante https://ift.tt/YAKphnl
via IFTTT

Comments

Popular posts from this blog

Shastaloo kakaripas sa Challenge Race

PBBM level: Andrew E. 1 batalyon bodyguard sa Canada