NBA legend Russell pumanaw sa edad 88

PUMANAW na ang alamat ng Boston Celtics na si Bill Russell sa edad 88 nitong Linggo sa Washington.

Mula 1956 hanggang 1969, dinomina ni Russell ang NBA at nagtuhog ng 11 championship rings – lahat sa Celtics.

Hari si Russell at Boston noong 1957, 1959-66, 1968, 1969. Five-time MVP, 12-time All-Star. Sa kanya rin ipinangalan ang NBA Finals MVP trophy.

“Bill Russell was the greatest champion in all of team sports,” anang statement ni NBA commissioner Adam Silver.

“The countless accolades that he earned for his storied career with the Boston Celtics – including a record 11 championships and five MVP awards – only begin to tell the story of Bill’s immense impact on our league and broader society.”

Sa taas na 6-foot-10, angat si Russell sa mga dominanteng centers ng liga kabilang ang kasabayan at kapwa niya Hall of Famer na si Wilt Chamberlain.

Pinangingilagang shot blocker, sa 13-year career ay nakaipon si Russell ng 21,620 rebounds – pangalawa sa career mark ni Chamberlain.

Sa isang laro ay nagbaba siya ng 51 rebounds at dalawang beses humablot ng 49. Sa panahon nila ay wala pang record ng shot blocks. (Vladi Eduarte)

The post NBA legend Russell pumanaw sa edad 88 first appeared on Abante.

from Abante https://ift.tt/B9lbic2
via IFTTT

Comments

Popular posts from this blog

Shastaloo kakaripas sa Challenge Race

PBBM level: Andrew E. 1 batalyon bodyguard sa Canada