Olivia Newton-John patay sa cancer

Pumanaw na ang singer-actress na si Olivia Newton-John sa edad na 73 pagkatapos ng 30-year battle niya with cancer.
Sumikat si Olivia sa buong mundo nang gampanan niya ang role na Sandy sa hit musical film na Grease noong 1978. Naka-partner niya sa musical ay si John Travolta na nakatambal niya ulit in 1983 sa comedy-fantasy film na Two of a Kind.
Olivia passed away peacefully sa kanyang ranch in Southern California kunsaan kasama niya ang husband na si John Easterling.
More than five decades ang tinakbo ng career ni Olivia na pinanganak noong September 26, 1948 sa Cambridge, England. At age six ay nag-migrate ang buong pamilya niya sa Melbourne, Australia.
In 1992, na-diagnose si Olivia with breast cancer at tatlong dekada niya itong nilabanan at nagtayo pa siya ng health facility para sa early detection of cancer sa Melbourne.
Nanalo ng apat na Grammy Awards sj Olivia at nakabenta siya ng higit sa 100 million records worldwide. Kabilang sa mga hit singles niya ay Hopelessly Devoted To You, You’re The One That I Want, Summer Nights, Xanadu, Physical, Let Me Be There, Twist of Fate, Magic, Suddenly, Living In Desperate Times, and I Honestly Love You.
Ilang pelikula rin ang ginawa ni Olivia after Grease, ito ay Xanadu, Twist of Fate, A Mom For Christmas, It’s My Party, A Few Best Men and The Very Excellent Mr. Dundee. (Ruel Mendoza)
from Abante https://ift.tt/UcRf39D
via IFTTT
Comments
Post a Comment