Pekeng pag-kidnap inamin ng dalagita

Mistulang nabunutan ng tinik ang Police Regional Office (PRO)-8 makaraang lumutang ang 13-anyos na dalagitang unang napabalitang dinukot para aminin na peke at walang katotohanan ang pag-kidnap sa kanya sa bayan ng Naval, Biliran noong nakaraang buwan.

Ayon kay Tacloban acting city police director P/Col. Michael Palermo, inamin sa kanila ng dalagita na inimbento lang niya ang pagdukot sa kanya na agad nag-viral sa social media nang i-post niya ito nitong Agosto 20.

Sinabi ni Palermo na sa una pa lang ay naghinala na sila sa paiba-ibang salaysay ng dalagita pero kumilos pa rin sila kahit taga-Biliran ito dahil binanggit nito ang San Jose District na sakop ng Tacloban City.

Iginiit din ni Biliran Police Provincial director P/Col. Dionesio Apas Jr. na hindi kapani-paniwala ang naunang salaysay ng dalagita na patungo siya sa DSWD sa Naval para humiling ng ayudang pinansyal sa kanyang pag-aaral nang dukutin siya ng kalalakihan sa puting van, inikot siya sa iba’t ibang lugar habang tinututukan ng patalim. Nakatakas umano siya habang nag-uusap ang tatlong lalaking naka-bonnet at driver ng van.

Samantala, nagbabala si Regional Anti-Cybercrime Unit (RACU)-8 deputy chief Police Lt. Col. Christopher Paciteng na maaaring kasuhan ng paglabag sa Cybercrime Prevention Act of 2012 ang sinumang magkakalat ng maling impormasyon gamit ang teknolohiya.

The post Pekeng pag-kidnap inamin ng dalagita first appeared on Abante.

from Abante https://ift.tt/8HxtDau
via IFTTT

Comments

Popular posts from this blog

Shastaloo kakaripas sa Challenge Race

PBBM level: Andrew E. 1 batalyon bodyguard sa Canada