‘Pintao’

‘ An Artist with a Philippine Flag in my Heart’ lagi niya itong ginagamit na kataga bilang inspirasyon sa angking galing ng mga Pilipino.
PINTAO mula sa salitang PINTA sa TAO isa itong paraan ng pagpapakita ng angking galing ni Jason Luna Tanjuakio sa larangan ng body painting .
Sa ngayun ang kanyang mga likhang obra ay sumasalamin sa mga magagandang nangyari sa kanyang buhay at ang kanyang misyon na makapagbigay saya sa mga tao na maipakita ang kanyang angking galing at makapagbigay inspirasyon sa mga nangarap pasukin ang larangan ng body painting.
Si Jason ay nagtapos ng kursong Fine Arts University of Santo Tomas sa Maynila at kumuha ng kursong Fashion Design Illustrations sa SLIMS Fashion and Arts School at nagtapos ng may pinakamatatas na karangalan sa kanya mga gawang obra. Adhikain niya ang maipalaganap at maituro sa bagong henerasyon ang kahalagahan ng Sining dahil ito ay sumasalamin sa ating mayamang tradisyon dito nya naipapakita sa pamamagitan ng pagpipinta sa katawan ng mga modelo ang kanyang obra . Ito ang kanyang pamamaraan kung saan tinawag nya itong the Living Canvas .
Si Jason ay nabibilang sa mga Young Achievers ng Bacoor City , nagmula siya sa barangay ng Mabolo na kung saan isa siya sa pinakapipitagan at ipinagmamalaki sa kanilang Barangay isa siyang kilala sa larangan ng Body painting .
Marahil marami sa atin ang magtatanong sino sino ba ang mga Bodypaint Artist sa Pilipinas siguro hindi pa ganon kasikat ang sining ng Body painting dito sa pinas marahil mas kinikilala ng nakararami ang pintados o burdado sa katawan na ginagamitan ng Tinta o tinatawag nating Tattoo. Ipinakita niya ang kanyang angking galing at talento hindi lang sa pagpipinta sa canvas at sa mga pader kundi isa din paraan ang pagpapahid ng mga espesyal na pintura sa katawan ng mga modelo , Kaya naman naging instrumento niya ito para gamiting paraan sa kanya SOLO EXHIBIT.
Makikita sa kanyang SOLO EXHIBIT entitled ‘ PINTAO ‘ sa PORTAL MALL General Mariano Alvarez , Cavite ang kanyang pinagsanib pwersang galing sa larangan ng paggawa ng obra mula sa pagpipinta, hanggang sa mga larawan na naka exhibit sa nasabing venue.
Malaki ang pasasalamat ni Jason Luna Tanjuakio sa mga taong tumulong sa kanya upang maisakatuparan ang ang kanyang matagal na pinakahihintay na pagkakataon na maging kabahagi ng isang ART EXHIBITION at ngayun sumapit na ang kanyang big break.
Mula sa pamunuan ng Portal Mall kay Ms. Angela Raruga, Mr. Jhay Ar Ambita, Ms. Jeany Sabillo , Portal Mall Team, Lotus Development, Design Team Portfolio Production sa pangunguna ni Mr. Eduardo ‘ Boyet ‘ Villaruel at Creative Teams at sa mga naging bahagi sa pagbuo ng nasabing art exhibition.
Gayundin sa sa 5150 Films sa pangunguna ni Mr. AJ Belardo at kasama bilang taga dokumentaryo, mga kaibigan–Jayme Dimaano, Anselmo Lapidario,at mga natatanging kaibigan sa industriya, sa mentor niya na si Prof. Crisencio Paner at ang mga kaibigang nagbigay ng tulong upang mabuo ang nasabing event sa Hidden Vietnam Imus Branch at sa DCP , Dave Ocampo, Bench Bello at inyong lingkod John Guarnes sa suporta taos pusong pasasalamat ang pamilya ni Jason Luna Tanjuakio sa kanyang Kapatid na si Mr. Nino Ed Luna Tanjuakio na buong pwersang sumusuporta sa kanyang karera mula noon hanggang ngayon.
Sa kasalukuyan siya ay Professor sa Fine Arts sa GK College of Business , Arts and Technology. Aktibo sa mga mural projects at mga art workshop. Sana minsan sa buhay natin may isang Jason Luna Tanjuakio na nagbigay saya sa ating mga mata ng mga makukulay na gawang obra. Alay ni Jason ang solo exhibit sa kanyang mga mahal sa buhay- ang kanyang mga magulang na sina Eduardo at Ma.Leticia Tanjuakio dahil napagtagumpayan nya ang karerang tinatahak niya.
Tiyak na ang tagumpay ng solo show ni Jason dahil aabangan ng lahat ang natatanging mga obra nito. Kaya ngayon pa lang Pasikatin na Natin ito!!!
The post ‘Pintao’ first appeared on Abante.from Abante https://ift.tt/gVTm2SY
via IFTTT
Comments
Post a Comment