PSC humirit ng P543M sa 2023

PINAGHAHANDAAN na ng Philippine Sports Commission (PSC) ang siyam na major international competition para sa taong 2023.
Kaya naman, ngayon pa lamang ay humirit na ng budget ang ahensiya sa Department of Budget and Management (DBM) ng kabuuang P543 milyon upang tustusan ang lima sa siyam na sporting events upang maibigay ang pangangailan ng mga atleta sa kanilang preparasyon at ensayo.
“We are hoping that the proposed budget will be approved by our country’s leaders. As a former athlete, the unwavering support of the government along with the full backing of the Filipino people are vital for our success,” pahayag ni PSC Commissioner Bong Coo.
Sa nasabing halaga na hinihingi ng PSC sa DBM, ang pinakamalaking parte nito na P250 milyon ay mapupunta sa paghahanda para sa 32nd Southeast Asian games (SEAG) na gaganapin sa Phnom Phen, Cambodia sa Mayo 2-16, 2023.
Ang 19th Asian Games na gaganapin naman sa Hangzhou , China na nakatakda sa Setyembre 23 hanggang Oktubre 8, 2023 ay pinaglaanan ng P100 milyon, haabang ang 4th world Combat Games sa Riyadh, Saudi Arabia sa Oktubre 5-14, 2023 ay may nakalaang budget na P72 milyon.
PAra sa 6th Asian Indoor and Martial Arts Games (AIMAG) sa Bangkok na nakatakda sa Nobyembre 17-26 ay bibigyan ng budget na P62 milyon at ang 2nd Wordl Beach Games sa Bali, Indonesia sa Agosto 5-17, 2023 ay pinaglaanan ng P57 milyon. (Annie Abad)
The post PSC humirit ng P543M sa 2023 first appeared on Abante.from Abante https://ift.tt/f8njAhd
via IFTTT
Comments
Post a Comment