Sana iginalang si Coach Chot

SA ikalawang pagkakataon mga ka-Abante, naranasan ko ulit masaksihan ang laro ng Gilas Pilipinas sa FIBA.

Kakaiba talaga sa pakiramdam kapag napapanood mo na lumalaban ang ating Pambansang Koponan, kitang-kita mo ‘yung puso nila sa laro. Ibang-iba kumpara kung sa tv mo lang makikita.

Sa aking pagdalo sa naging laban ng Gilas, narinig at nasaksihan ko rin ang pag-boo ng crowd kay Chot Reyes. Sa totoo lang, parang ako ang nahiya at nasaktan para sa kanya. Alam nyo ‘yung nasa sariling mong bansa ka, pero ‘yung suporta hindi mo nakuha.

Ang sakit ‘di ba? Hindi pwedeng balat sibuyas ka dito, balat kalabaw ang dapat meron ka kung ikaw si Chot Reyes.

Alam naman natin na marami talaga ang may ayaw sa kanya, gusto ng karamihan na bumaba na ito sa pwesto kaya naman napakalakas ng pag-boo sa kanya sa laro ng Gilas sa MOA Arena.

Kahit ipilit natin na sana ibinigay na ‘yun sa kanya at nagpakita ang tao ng respeto, hindi rin talaga pwede. Dahil sa kahit ano’ng anggulo, ang tingin ng basketball fans, mali na nariyan pa rin siya sa pwesto.

Kung ako ang tatanungin, oo sana, sana nakatanggap man lang siya ng magandang feeback mula sa crowd, na sana ginalang siya bilang nasa Pilipinas siya. Kaso, hindi talaga pwedeng ipilit ‘yun sa tao, iba ang pulso nito.

Pero bukod naman don, goosebumps din talaga ‘yung makita mo nang malapitan si Jordan Clarkson. Minsan ka lang makalapit sa NBA star kaya naman talagang mahirap din pigilan ang tuwa. Iba ‘yung saya na nakita ko siya sa personal, sayang lang at wala akong selfie sa kanyaa o naging panayam, wala, iba ang security niya. Ganoon talaga siyempre, superstar ‘yan eh!

All in all mga ka-Abante, napakasayang experience ang makatungtong muli sa FIBA, maraming learnings, maraming magandang oportunidad ang maaaring pumasok kaya naman nagpapasalamat ako sa FIBA at SBP para sa pagkakataon na ibinigay nila sa akin. At soyempre, ‘wag tayo sana mapagod na suportahan ang Gilas Pilipinas, mahaba pa ang laban kaya ‘wag tayo bibitaw!

Muli, patuloy po ninyong suportahan ang Sportalakan. Salamat! God bless, mga ka-Abante!

The post Sana iginalang si Coach Chot first appeared on Abante.

from Abante https://ift.tt/bpoeukZ
via IFTTT

Comments

Popular posts from this blog

Shastaloo kakaripas sa Challenge Race

PBBM level: Andrew E. 1 batalyon bodyguard sa Canada