Si Mato Rodrigo at kanyang mga modelo

Si Michael Luceño Rodrigo II o mas kilalang “Mato Rodrigo” ay pinanganak sa San Fernando, Pampanga. Kasagsagan ng pagputok ng Mt. Pinatubo. Lahat ng pagmamay -ari ng kanyang mga magulang ay biglang naglahong parang bula gawa ng lahar. At dahil sa pangyayari ang dating masaganang pamumuhay ay napalitan ng mahirap at simpleng buhay. Dito nagsimula nilang maranasan ang tumira sa relocation area at depressed area. Dahil na rin sa kahirapan ay nagawa niyang maging working student ng palihim para makatulong sa magulang sa pagpapa aral sa kanya dahil ayaw ng kanyang mga magulang na siya ay mag trabaho. Nagawa niyang maging isang service crew sa mall, food product maker at naging warehouse clerk din. Sa pagsusumikap ni Mato ay nakapag tapos din siya ng pag aaral bilang isang iskolar ng Dr. Filemon C. Aguilar Memorial College of Las Piñas (DFCAM-CLP) sa kursong Bachelor of Science – Major in Human Resource Management and Development. Pagka graduate ay bumalik ang Pamilya niya sa Pampanga at para makatulong sa magulang siya ay nanatili parin siya sa bayan ng Las Piñas at napilitang tumira mag isa. Dito na siya bumuo ng kanyang mga pangarap para sa sarili at pamilya.
Siya ay nagtrabaho sa isang International Bank at nag-ipon para bumili at magpatayo ng bahay at lupa para sa kanyang mga magulang. Sa murang edad na 27 ay nakapagbigay din ito ng puhunan pang negosyo sa kanyang pamilya. Taong 2019 tumigil siyang maging isang empleyado para tutukan ang kanilang mga negosyo at ang binuong charity group.
Sa mga hindi nakakaalam, siya ang owner at founder ng isang non-profit organization na New Hub for All Modeling Management o mas kilalang “NHA Plaza” na naitayo taong 2017. Ang kanyang organisasyon ay tumutulong ng libre at nagbibigay inspirasyon sa mga kabataan lalong lalo na ang mga aspiring model ng Las Piñas. Bumibisita din sila sa mga aeta communities sa Pampanga, mga bahay ampunan, at nag iisponsor sa mga iba’t ibang production, school pageant, at runway event.
Ginagamit niya ang pagmomodelo bilang isang plataporma sa pagbubunsod at pagpapalakas ng kumpiyansa sa sarili dahil naniniwala siya na maraming pinto ng oportunidad ang mabubuksan kapag malakas ang loob. Tumutulong siya sa mga Aspiring Models na mabigyan ng pagkakataon sa iba’t ibang kaganapan at aktibidad tulad ng pageant at cut walk training, photoshoot, personality development, fashion show, runway guesting, at marami pang iba.. Ginagawa niya ito ng libre at walang hinihinging kapalit.
Hindi lang mga modelo ang natutulungan niya pati na rin ang maliliit na negosyo at mga bagong negosyante. Nagbibigay siya ng libreng endorsement photoshoot sa mga produkto at serbisyo. Bukod pa riyan ay ang pag boost ng kani kanilang Facebook Page na kung saan ang social media ay napaka in demand at nauuso sa panahon ngayon ng pandemya.
Ilan na sa mga international beauty queen at modelo na natulungan niya ay sina Queen Monaliza Hernandez Salenga – Mrs. Asia Pacific Special Queen Ambassador 2022, Pao Awayan – Mr. Kingtut 2022 Candidate, Bernalyn Arciaga – Sexy Babe 2022 Candidate ng Showtime, Nian Raj Santos – Mannequins Battle of Ramp 2021 Social Media Awardee, Reyanne Saludo – Miss Las Piñas Heritage Tourism 2021, Kevin Pepito – Mr. Milenyal Adonis 2020 Top 13, John Michael Mercado – Mr. Millennial 2020 5th Runner Up, at Ayumi Agasang na isa ng ganap na walk coach sa LP Paragon Modeling Center – Las Piñas. Isama na natin si Ms. Sheralene Shirata ang susunod na beauty queen na kasalukuyang nagte training sa kanyang organisasyon.
Tunay na mahal ni Mato ang pagtulong sa kapwa at gustong maging mabuting inspirasyon lalong lalo na sa mga kabataan. Masaya siya na nakikitang nagtatagumpay sa buhay ang kapwa niya. Tulad niya noon siya rin ay isang mahiyaan ngunit sa tulong ng pagmomodelo ay lumakas ang kumpiyansa sa sarili at naging masaya’t matagumpay sa buhay.
Ang pagtulong ni Mato ay umabot na sa iba’t ibang parte ng Luzon at pangarap din na makatulong sa ibang parte pa ng Pilipinas. Ngayon ay lalo siyang nagsusumikap upang marami pa ang kanyang matulungan.
Napakagandang adhikain ang mga Adbokasiya ni Mato at dahil dyan ay marami pang mga individual na kabataan ang mabibigyan ng pagkakataon.
Kasalukuyang nagpapagawa siya ng photo studio para sa kanyang mga modelo. Ito ay bukas para sa mga photographers nagnanais gumamit ng studio sa murang halaga ang renta. May make up room at espasyo para sa modeling training.
Pasikatin pa natin ang mga katulad ni Mato sa kanyang mga adbokasiya para sa mga kabataan na nangangarap at maging matagumpay sa pagmomodelo.
from Abante https://ift.tt/H3WFq0M
via IFTTT
Comments
Post a Comment