Sinita ng mga fan: KC hindi na ‘dad’ ang tawag kay Kiko

As usual, ang sweet ni KC Concepcion, at hindi talaga niya kinalimutan si former Sen. Kiko Pangilinan na batiin sa kaarawan nito.

Kasalukuyang nasa Korea si Kiko, kasama si Sharon Cuneta, at mga anak.

“Happy birthday @kiko.pangilinan. We love and appreciate you for educating us, guiding and disciplining us- and for all the ways you’ve kept the family together, through all of life’s twists and turns. Enjoy Korea and may your birthday cake be as great as your daily dose of samgyupsal,” pagbati ni KC kay Kiko.

At siyempre, hindi pinalampas ng mga netizen ang mensahe, lalo na ang tawag ni KC kay Kiko, na @kiko.pangilinan lang. Sa hindi malamang dahilan, bakit nga ba tila nakalimutan ni KC na ilagay ang ‘daddy’ o ‘papa’ sa post niya, bago i-tag si Kiko?

Sunod-sunod nga ang reaksiyon ng mga netizen:

_i.am.rome_, “No “Dad”?”

arkay_gds, “@_i.am.rome_ I noticed too.”

jenphoto02, “Noticed that too.”

lorenalacayangamique, “Dati laging may dad.”

momshie_ien, “Noticed it too.”

seinoep, “Agree. He took care of KC more than Gabby did. I think he deserves to be called “dad”.”

Siyempre, may mga nagtanggol nga kay KC, na baka nakalimutan lang niya ang word na ‘dad’ o baka impluwensiya na rin `yon ng nakagisnan ni KC, na di ba nga, sa ibang bansa, pangalan lang ang tawag nila sa kanilang stepdad o stepmom.

fabyourbliz, “

fabyourbliz • Instagram photos and videos

Bakit kaya ang mga tao kunting na miss lang sa post nagtaka na agad ‘di kaya basahin na lang talaga namang magtatanong ‘di nabahiran tuloy ng ‘di maganda ang sanay masayang ngiti sa picture na ‘to. Di ba tayo pwedeng magsaya na lang din at tumingin ang tatanda na natin para mangialam ‘wag nang bigyan ng kahulugan ang mga bagay na ‘di namin saklaw ng kaisipan natin just sayin.”
Well… (Dondon Sermino)

The post Sinita ng mga fan: KC hindi na ‘dad’ ang tawag kay Kiko first appeared on Abante.

from Abante https://ift.tt/OSgTajk
via IFTTT

Comments

Popular posts from this blog

Shastaloo kakaripas sa Challenge Race

PBBM level: Andrew E. 1 batalyon bodyguard sa Canada