Sobra na, iba naman

Good day mga ka-Abante at ka-Sarado.
Hindi mamatay-matay ang pag-boo at pagpapakita ng protesta ng mga netizen kay Coach Chot Reyes. Umabot na sa mga sari-saring social media platforms.
Dati nasa Facebook posts, comments section at pangunahing pahayagan, ngayon nasa laruan o mismo kung saan naglalaro ang PBA o Gilas Pilipinas. May mga dalang poster, placard at tarpaulin pa kung minsan.
Ang tanong lang naman, kung sakaling bumaba si Pareng Chot sa pwesto eh meron bang kayang pumalit na subok na? Siyempre hindi na natin pwedeng ibalik si Coach Tab Baldwin dahil wala na rin siya sa MVP group, kung si Coach Nenad Vucinic naman, nag-resign na.
Kung sina Coach Tim Cone, Coach Yeng Guiao, Coach Jong Uichico at Coach Norman Black ay nasubukan na lahat. Sino’ng pwede?
Kailangan ‘yung may international coaching experience, may programa na suportado ng SMB/MVP Group at higit sa lahat may accountability. Sa ngayon mukhang wala tayong coach na naihanda na pwedeng pumalit kay Pareng Chot. Puro dayuhang coaches ang rekomendado ng ating mga netizen.
May halong takot at pangamba ang SBP Group na mag-recommend ng ibang coach dahil wala sa poder nila.
Sana sa susunod na evaluation at assessment sa pagpili ng Gilas head coach, bigyan sana nila ng chance ang mga bagobtulad nina Coach Aldin Ayo, Goldwin Monteverde, Randy Alcantara atbp.
Katulad lang din ng pagpinili nila kay Pareng Chot Reyes noong araw, na may may halong duda, pangamba at sugal din.
Wala namang perpektong coach, magkakaroon ‘yan ng challenges na haharapin.
Sa atin lang bilang isang panatiko sa basketball, kapag umabot ka na sa dulo ng programa mo sa basketball at hindi na “effective” ang coach, wala ka nang naiaalok na bago, kinakalawang na at wala nang amor ang fans, puro SELF GLORIFICATION at SELF PRESERVATION na lang ang nangyayari eh it’s time to go.
Tama na. Sobra na. Iba naman.
The post Sobra na, iba naman first appeared on Abante.from Abante https://ift.tt/OCdiqza
via IFTTT
Comments
Post a Comment