Westbrook bago papel sa Lakers

NAGBABADYA ang 2022-2023 season bilang ‘revenge tour’ ni Russell Westbrook.

Pagdating ng dating MVP sa Los Angeles bago ang 2021-22, marami ang umasa na babalik ang dominasyon ng team pero nganga ang Lakers.

Ngayon, ipinapain na raw sa trade ang premier guard. Kaya lang, wala pang kumakagat.

Kung mananatili pa si Westbrook sa LA sa susunod na season, patutunayan ng two-time scoring champion na may ibubuga pa siya.

Ipagsisigawan ni Westbrook na kaya niyang sumabay – hindi makipagsapawan – kina superstar teammates LeBron James at Anthony Davis.

May ulat pang kung hindi siya mai-te-trade, bibigyan ng Lakers si Westbrook ng bagong role – corner 3 specialist. Nabanggit noon ng bagong coach na si Darvin Ham na gusto niyang tumira ng mas maraming corner 3s si Westbrook.

Walang pinatunguhan ang Lakers, ni hindi umabot sa play-in tournament, pero nakapag-average pa rin si Westbrook ng 18.5 points, 7.4 rebounds at 7.1 assists nitong nagdaang season. (Vladi Eduarte)

The post Westbrook bago papel sa Lakers first appeared on Abante.

from Abante https://ift.tt/QoCFhbX
via IFTTT

Comments

Popular posts from this blog

Shastaloo kakaripas sa Challenge Race

PBBM level: Andrew E. 1 batalyon bodyguard sa Canada