4 player ng Letran sapol ng COVID-19

APAT na manlalaro ng Colegio De San Juan de Letran Knights ang nagpositibo sa COVID-19 virus, dahilan upang maunsyami ang unang salang ng defending back-to-back champion sa 98th National Collegiate Athletic Association (NCAA) men’s basketball tournament sa Smart Araneta Coliseum simula sa Sabado ng hapon.

Kinumpirma ni Letran head coach Bonnie Tan sa Abante Sports ang pagkakalagay sa buong koponan sa health and safety protocols, kaya’t maghihintay pa ng ilang araw ang buong Letran Knights bago ito makasabak sa buwena-manong laro.

“Five days silang naka-quarantine at naka-isolate sa dormitory. Kinuhanan ulit sila ng test, the rest naman ay negative, pero we’re sure na everyone is okay naman. Kailangan lang sumunod sa health and safety protocol ng team at ng NCAA,” pahayag ni Tan.

Nagawa pang makadalo ng 49-anyos na kasalukuyang team manager rin ng GlobalPort Batang Pier sa isinagawang NCAA 98 Media Launch kahapon sa Novotel Manila na solong dumalo at ibinigay ang kanyang panig sa darating na panibagong season. (Gerard Arce)

The post 4 player ng Letran sapol ng COVID-19 first appeared on Abante.

from Abante https://ift.tt/4oeVlgm
via IFTTT

Comments

Popular posts from this blog

Shastaloo kakaripas sa Challenge Race

PBBM level: Andrew E. 1 batalyon bodyguard sa Canada