Aiko, Alfred kapit-bisig bilang QC councilor

Magkasundo sa pagtulong sa ikauunlad ng 5th District ng Quezon City sina Aiko Melendez at Alfred Vargas. Matatandaang kapwa sila mga nagwagi as councilor sa naturang distrito nitong May 2022 elections.

Sa kanyang Instagram ay nag-post si Aiko ng masayang tagpo nila ng aktor habang nagtatrabaho sila sa public office.

“Passed 2 joint measures with Congsi @alfredvargasofficial. The picture says it all (green heart emoji). #AV #AM #Magkaindustriya #Magkakampisaserbisyo,” caption ng konsehala.

Nag-fist bump, naka-thumbs up si Alfred kay Aiko habang kaytamis naman ng ngiti ng huli.

Maganda nga ang samahan nila bilang mga public servant. Kaya siguradong mas marami pa silang mga proyektong maisusulong para sa kapakanan ng kanilang mga constituents.

Nasa puso na nga ng dalawa ang pagyakap sa politika matapos ang pamamayagpag sa showbiz industry. Si Alfred ay natapos na ang tatlong taon bilang congressman kaya pinili munang mag-konsehal. Si Aiko naman ay nagbabalik sa politika, at ang kanyang karelasyon na si Jay Khonghun ay congressman din ng 1st District ng Zambales.

Patunay lang ito na hindi porke artista lang ay puro papogi lang ang nagagawa, dahil gaya nina Alfred at Aiko, handa silang magserbisyo ng tapat at may malasakit sa kanilang mga kababayan. (Batuts Lopez)

The post Aiko, Alfred kapit-bisig bilang QC councilor first appeared on Abante.

from Abante https://ift.tt/at5HIAN
via IFTTT

Comments

Popular posts from this blog

Shastaloo kakaripas sa Challenge Race

PBBM level: Andrew E. 1 batalyon bodyguard sa Canada