Binata swak sa kulungan; minura, binato anak ng policewoman

Bumagsak sa kulungan ang isang binata matapos nitong murahin at batuhin ang binatilyong anak ng retiradong policewoman sa Navotas City, kahapon ng umaga.
Kinasuhan ng paglabag sa Republic Act 7610 o Child Abuse Law ang suspek na si Angelito Vega, 40-anyos, pedicab driver at residente ng No. 3751 L, Santos St., Brgy. Tangos ng nasabing siyudad.
Ayon sa retired policewoman na si Adelina Cabauatan, 56, hindi niya palalagpasin ang ginawa ng suspek dahil nagdulot ito ng trauma sa kanyang 16-anyos na anak.
Sa ulat, papunta ang biktima sa bahay ng kanyang kapatid na malapit sa tirahan ni Vega nang bigla siya nitong sinigawan at minura bandang alas-9:20 ng umaga. Kahit nakaramdam ng takot ay hindi umano ito pinansin ng binatilyo hanggang makapasok siya sa bahay ng kanyang kuya. Maya-maya lang ay pinagbabato na ng suspek ang pinto at bubong ng bahay habang sumisigaw at nagbabanta ito ng “P….. ina nyo. Papatayin ko kayo!”
Itinawag ito ng magkapatid sa kanilang ina na agad na dumulog sa Sub-Station 2 (SS-2) at ipina-aresto ang suspek. Nabatid na matagal ng may galit ang suspek sa pamilya ng retiradong pulis. (Orly Barcala)
The post Binata swak sa kulungan; minura, binato anak ng policewoman first appeared on Abante.from Abante https://ift.tt/pIrdTMy
via IFTTT
Comments
Post a Comment